Twenty one

3.6K 24 0
                                    

Yana's POV

Gusto ko sana dalawin si Mira, may sakit daw, kaso bigla naman nagyaya itong si Cyd, ang rude naman tignan kung tatanggi ako baka isipin niya na lumalayo ako sa kaniya.

Pero okay na din to, atleast may bonding kami. Namiss ko rin kabonding ito eh, lalo na yun pag-aarcade namin. Parehas pa naman kami adik sa arcade.

"Best racing tayo!" paghahamon niya

"Pagnanalo ako, 3days dinner date with me!"  sabi niya, na confident na confident sa sarili.

Ano daw dinner... date? Hmmm pwede naman dinner lang.

"Eh paano kung ako ang manalo?" tanong ko

"Ahm-eh, ikaw bahala, ano ba gusto mo? " sabi niya

Hmmm, ano nga ba gusto ko kapalit?

"Hmmm, papayag kaba na ipakwento ko sayo kung kelan pa nagsimula yun feelings mo sakin at bakit mo ko nagustuhan?"  tanong ko, at nakita ko sa reaksyon niya na gulat na gulat siya parang ganito ba (O_O)

"Ah-eh, uhm kung yan yun gu-gusto mo"  medyo nahihiya niya pang sabi.

*smirk* Interesting

"Oh sige game na!"  excited kong sabi

Dati ko pa gusto yun malaman, sobrang na-curious talaga ako kung kelan pa nagsimula, kaso nahihiya ako.

****

Kilala ko itong si Cyd, magaling to sa racing. Pero syempre hindi ako papatalo, gusto ko talaga malaman yun eh!

****

Unang lap, medyo nangunguna na agad siya. Ang galing niya magcontrol walang bangga-bangga halatang mamaw.

Pero ayos lang, 3lap naman ito eh kaya keri pa.

2nd lap medyo di na ganun kalayo ang distansya namin pero nangunguna pa rin siya. Hanep talaga to.

Hindi ko inaasahan na mabubunggo siya kaya yun nakahabol ako at ako na ang nangunguna na. YEHEY!

Ako ang unang nakatapos ng 2ndlap, Lastlap na.

Consistent driving.

Kailangan hindi ako mabunggo. Medyo malapit ang distansya namin. Kahit kelan talaga to ang dali-dali lang para sa kaniya ang humabol pero syempre ayoko pagbigyan ito no.

*Drive,drive,drive*

Gosh ang lapit na niya sakin, sobrang lapit. AArgh! bakit ba kasi ang galing nito sa racing eh!

Maya-maya lang ay maliit na lang ang distansya namin at hindi ko inaasahan na bubunggoin niya ako.

"Fuck!" bigla kong nasabi at napatingin ako sa kaniya at nag-smirk lang ang loka.

Hindi naman against sa rules yun, pero di ko talaga inaasahan na gagawin niya yun, Aish! Kainis!

Wala na, ang layo na ng distansya niya sa sakin! Ang hirap na habulin.

Kaya ayun, siya pa rin ang nanalo. Tsss -_- Daya kundi niya lang ako binunggo.

"Okay, ako ang panalo!" pagmamalaki niya.   Tss yabang

"Tsss, madaya!" inis kong sabi.

"Hahaha anong madaya? Hindi naman against sa rules yun eh!"

"Ewan!"

"So yun deal ah, 3days dinner date. Bawal ka tumakas!"

"Aish! May magagawa pa ba ko!"  Hmp, gusto ko pa naman malaman yun. Kainis naman oh!

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon