Yana's POV
Ako lang ba? O talagang lumalayo sakin itong si Mira?
Tsk! Kahapon pa siya ganyan, balak ko siya kausapin pero ilag siya sakin. Kung makakausap ko man ay saglit lang and ang masworst ay ang tipid niya pa magsalita; kala mo hindi kami magkakilala.
Yun kadaldalan niya nawala bigla. Sakin lang siya ganun kasi kinakausap naman niya yun iba namin kasama. Ano naman kaya problema nito? May nagawa ba kong masama sa kaniya na ikanagalit niya?
Hay bahala siya jan! Di ko siya maintindihan; sana kung meron man ay kinausap na lang niya sana ako ng maayos di yun umiiwas siya.
Aargh! Bakit ko ba siya pinoproblema? Kung ayaw niya sakin edi wag! May magagawa ba ko?!
1messagereceived
From: PJ
Hi Ning lunch tayo later? Sama mo na rin si Cyd kung pwede
Tss, ginagamit pa ko para makasama si Cyd pwede naman si Cyd lang hahahha shy type ang loko.
To: PJ
Uhm sabay kana lang samin later, para makilala ka din nila
Sent..
From: PJ
Ayos lang ba? Baka naman panggulo lang ako sainyo
To: PJ
Yup! Baka nga matuwa pa sila dahil may gwapo kaming kasama ;)
From: PJ
Hahaha oh sige, sige! Saan ba?
Hmmm, saan nga pala kami ngayon maglalunch?
"May saan ba tayo maglalunch ngayon" tanong ko
"Uh-uhm.... Hoy ALex san tayo maglalunch ngayon?" tanong ni May
"Hah? Ah-eh.. Ria saan ba tayo maglalunch ngayon?" tanong naman ni Alex kay Ria
"EH? Uhm Babe saan daw ba tayo maglalunch ngayon?" baling naman ni Ria kay Tin
"Hmmm, saan niyo ba gusto?" tignan mo tong mga to, pinaikot-ikot lang ako -__-
Ang titino talaga nila kausap. Si May lang yun tinatanong ko tas nakarating na kay Tin.
"Uh-uhm ewan bahala kayo!" sabi naman ni Naomi.
Hay ang titino talaga nila.
"Ugh! Mga ewan talaga kayo! Dun na nga lang ulit sa Fishers!" tss, wala rin, ako lang din ang sumagot sa tanong ko -_-
Nag-aksaya lang ako ng oras!
To: PJ
Sa Fishers na lang
sent...
From: PJ
Okay, see you :)
*******
On the way to Fishers. Tsk, late lunch na kami; ang tatagal kasi nila umahon, nagpiling dyesebel pa. Masyadong naenjoy ang tubig.
Nakakahiya tuloy kay PJ baka kanina pa yun naghihintay dun.
"Hoy Yana bakit kaba nagmamadali ha?" tanong ni Alex
