Seventeen

3.8K 30 0
                                    

YANA'S POV

This past few weeks, napapansin ko lang na hindi na ako masyado kinukulit ni Mira at  hindi na rin siya masyado bumubuntot sakin. Ewan ko ba, pero parang may kulang, tss siguro sanay lang ako na palagi siya ang kasama ko *SIGH* 

"Hey bru!" tawag sakin ni Tin

Nandito nga pala kami sa canteen, tambay mode muna habang naghihintay sa next class.

Pansin ko rin na hindi na masyado nagkakasama si Cyd pati yun bf niya, paano naman kasi madalas na samin na ulit sumasama si Cyd, eh dati naman palagi ang boyfriend niya ang kasama niya. Hay siguro busy lang yun bf niya, kaya nakakasama na ulit siya samin.

"Kanina ka pa nakatitig sa pinto ah, may hinihintay ka nuh?"  sabi sakin ni Naomi with matching pagsiko pa.

"Nandito naman na yun gusto mo, eh bakit parang may hinihintay ka pa jan?"  bulong sakin ni Ria

Hmp, ang lakas talaga nito mang-asar! Kaya binatukan ko siya

"Gaga!" sabi ko

At tumawa lang ang loko.

"Hahaha hayaan mo na yan, may namimiss lang siguro yan"   sabat naman ni Alec at ngumiti pa ng nakakaloko ang bruha.

Tsss, ako na naman ang trip nila ngayon.

"Hey nasaan pala si May? pansin ko madalas na siya wala ah" sabi ni Cyd

"Hay nako baka may natritripan na naman yun" sagot naman ni Tin

At nagtawanan naman ang mga baliw syempre maliban sakin. Ewan ko ba, pero wala ako sa mood ngayon.

Ako ang natripan nila asarin ngayon kasi daw nabobored sila, Hay kung kelan wala pa ako sa mood! -_-

Konting-konti na lang makakapatay na talaga ako!

"Hey tama na yan, naaasar na talaga si Yana"  pagtatanggol sakin ni Cyd

Ohmy, buti na lang nandito ka Cyd! Sige lang ipagtanggol mo ko!

"Hahaha si lover este si bestfriend to the rescue1"  sigaw ni Ria

Aish! Nakakahiya naman ito, napakaiskandalosa.

"Magtigil ka nga jan Ria"  at binatukan siya ni Cyd

Hahaha, buti nga!

"Aargh! Bored na bored na talaga ako!"  yamot na sabi ni Tin

" Gusto mo maglibang babe? pwede sa apartment ko!"  tapos ngumiti na nakakaloko si Ria (Eeww, creepy)

"Magtigil ka nga jan!" at yun nakatanggap siya ng hampas kay Tin

"Sadista mo naman babe!"  sabay himas sa hinampas ni Tin.

"Aargh, this boredom is killing me!" at bigla na lang nagwalk out si Naomi.

Luh? eksena nun?

"Ohsiya, see you later guys! Bored na bored na talaga ako!" at hinila na ni Tin si Ria

"Babe saan tayo pupunta?" tanong ni Ria

"Gusto ko maglibang!" at nagsmirk si Tin. (Ay alam na ang gagawin nito!)

"Hay, alis na nga rin ako! See you later babies!"  paalam ni Alec

At kaming dalawa na lang ni Cyd ang naiwan. Hmm parang medyo awkward o siguro ako lang ang nakakafeel ng awkwardness?

Habang busy siya kakabasa ay naglaro na lang ako sa phone ko.

GOSH! Ang tagal pa ng next class ko.

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon