ThirtyThree

3K 23 1
                                    

Yana's POV

Tss eto na naman po kami -_- Hindi ko talaga siya maintindihan parang nung isang araw lang magkasundo kami tapos heto na naman siya hindi namamansin, lumalayo. Ang gulo talaga ng babae na to. 

"Hoy busangot ka na naman jan!"  

"Ay potek! Letse ka talaga Pj!"   tss tama bang manggulat siya, yan tuloy nahampas ng wala sa oras.

"Lalim ng iniisip ah, LQ?"   then ngumiti siya ng nakakaloko.  (Eww, creepy di bagay sa kaniya.)

"LQ ka jan! Tss as if naman may ka-LQ ako!"    -_- last night na nga  lang namin dito sa Cebu tas sinusumpong na naman siya. HMP bahala siya sa buhay niya.

"Hahaha nga naman, sino ba ang makakaLQ mo? Eh wala nga atang nagbabalak manligaw sayo dahil nakakatakot ka hahaha!"   bwiset to! Nang-iinis pa -_-

"Bwiset umalis ka na nga lang dito!"     then pinagbabato ko siya ng mga batong nadadampot ko.

"Hahaha aray! huy tigil na Hahaha!"    Tss, nasasaktan na nga siya tumatawa pa. Aba Matinde -_-

"Hahaha sorry na! So anong problema mo?"    seryoso niyang tanong.

Hay ano nga ba problema ko? Tss, parang yun lang ikinababadtrip ko na

"Ewan ko!"  tipid kong sagot

 "Ewan mo? Tss siya yun dahilan nuh?"  sabay turo niya kay Mira na nagmumukmok din sa kabilang side ng shore.

Tinaasan ko siya ng kilay then...

"Tss Huh? Bakit naman siya nadamay dito?"  sagot ko

"Deny pa Ning tsss di ka magaling magtago"    Tss -_- 

"Ano bang pinagsasabe mo ha?!"    Ugh! I hate him..

"Nagkakaganyan ka dahil sa kaniya"  at tinuro na naman niya si Mira.

"Turo ka ng turo jan! Manuno ka sana!"  Bwiset baka isipin pa nung babae na yun na siya yun pinag-uusapan namin (which is totoo naman) Hay ewan!

"Magtigil ka na nga jan Pj, subong kita kay Angel niyan!"  Hmp! kainis!

"Ano namang kinalaman ni Angel dito; tss jan ka na nga puntahan ko na lang si Angel tse!"   Hay buti nga umalis ka na.

Ano nga bang meron at nagkakaganito ako? 

Ano naman ngayon kung hindi niya ako pansinin? Kawalan ba? 

Wala naman akong gingawa sa kaniya tas lalayo-layo siya -_- 

Pssh, bahala siya sa buhay niya. 

Last night na  namin ito dito kaya magpapakasaya na ako.

Nakisali na ako sa paghaharutan nila Alec. Grabe kala mo hindi mga babae kung makapagharutan; batuhan dito, batuhan doon. Punong-puno na kami ng mga buhangin sa mukha; tsss sa dami ba naman ng aasintahin sa mukha pa. 

Medyo nakakawala ng badvibes ang pinaggagawa namin. Kala mo hindi mga dalaga hahaha.

Kahit kelan talaga hindi pa rin kami nagmamatured pagdating sa mga ganitong bagay. 

Tawanan ng tawanan akala mo wala ng bukas; hindi man lang magpakademure ang mga ito. 

Hmmm malapit na rin magdilim at hindi pa rin napapagod ang mga ito.

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon