Forty Six

2.3K 22 0
                                    

Mira's POV

       Months passed, ganun pa din kami. Hindi naman ako nag-eexpect na magustohan niya din ako kasi alam ko imposible yun, napakasungit pa naman nun sakin, walang araw na hindi niya ako sinusungitan o tinatarayan kaya para naging immune na ako sa kasungitan niya. Ang hirap pala ng ganito, ang one sided love. Hindi naman ako masyado nagiging sweet sa kaniya dahil ayaw niya yun. 

flashback...

" uhm-uh oh!"  Inabot ko sa kaniya yun simpleng bouquet ng flower. Puro Lily (calla), Lisianthus at Rose (Pink and white).


Bigla na lang nagbago ang expression ng mukha niya, ang plain lang nito. Hindi ko alam kung nagulat ba siya sa tuwa o naasar.

"Uhm Yana?"   Ayaw niya kaya? 

"Salamat"  yun lang? Wala man ang ngiti? Parang napilitan lang ata siya tanggapin yun eh.

"Hmm Lily (Calla), sa pagkakaalam ko it symbolizes beauty and purity then Lisianthus calmness ata ..."   she paused for a while at saka pinagmasdan saglit yun mga bulaklak

"  Then mixed white and pink rose it means " I love you and will always love you" , hmm sa pagkakaalam ko"   


Huh? Paano niya nalaman? Don't tell me nagbabasa din siya ng libro about sa mga bulaklak?

Napanganga na lang ako sa mga sinabi niya, dahil unexpected talaga.  

"Nabasa ko lang sa isang website yan, pero siguro hindi mo naman ata alam na ayun yun mga meaning nito"   Ang galing naman nito.

Napangiti na lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. 

" Pero dapat hindi kana nag-abala pa. Uhm hindi ako sanay sa mga ganito. Ayos na sakin na wala ka binibigay. Nakakapanibago lang, kasi first time ko makatanggap nito" 

Natuwa naman ako dun. First time niya daw makatanggap nun? Wow at sa akin pa galing. 

Siguro hindi lang din talaga siya sanay na ganito ako kasweet sa kaniya. 

"Mira, uhm..siguro hindi naman ito sign na nanliligaw ka na sakin?  Kung may balak ka man uhm  sorry dahil hindi ako sigurado. Hindi ako sigurado kung matutugunan ko yan nararamdaman mo"

Those words, para sinabi na niya din na wala akong pag-asa. Ni reject na niya agad ako though may balak pa lang ako magsimula. 

 "Hahah"   tawa na lang ang nasagot kasi hindi ko alam kung ano. 

After that conversation ay parang medyo nawalan ako ng gana.  Hindi naman ako umaasa pero bakit nadisappoint pa din ako? 

"Oh nanahimik ka"  ngumiti lang ako saka nagbasa na lang sa libro na hawak ko. 

Hindi naman ako interisado dito sa binabasa ko, wala nga akong naiintindihan.

End of flashback...

        

Nakakainis bakit ba ganito? Tss ano ba kasi meron sa kaniya? Napakaimposible talaga. Sa dinami-dami ng tao siya pa. Ugh!

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon