Cyd's POV
"CYD!"
"Woah! Hahaha makayakap wagas ah!"
"Tss bakit ba?! Eh sa namiss kita eh!"
Napapailing na lang ako sa kaniya. Habang tumatagal mas lalong nagiging clingy itong si Ali. Tatlong araw lang kami hindi nagkita tapos namiss na niya ako agad? Hahaha
" Oh bakit mo ako pinapunta?" tanong niya
" Gala tayo [^_^] "
"Huh? Saan naman aber?"
" Hmmm hindi ko alam"
"Ang gandang sagot Cyd" sarkastiko niyang sabi
Napabuntong hininga na lang ako. Sa totoo lang gusto ko maglibang para madivert ang attention ko sa ibang bagay.
"May problema ka?" tanong niya
"Wala" tipid kong sagot pero mukhang hindi pa din siya kumbinsido sa sinabi ko.
"Tss kilala na kita Cyd, alam kong may problema ka "
Ang galing niya talaga, kilalang-kilala na niya ako.
"Spit it out Cyd!"
"Alin?" pagmamaang-maangan ko.
Napataas naman ang kilay niya, yun para ba naiinis na siya.
"Kung ayaw mo magsalita, pwes uuwi na ako"
"W-wait!"
"SO?" taas kilay niyang tanong
"Ugh! Okay you win Tsss"
"So ano na? Dali magsalita ka na!"
Tss hindi naman siya atat ?
" I'm broke" nahihiya kong sagot
"Broke? Hindi ka naman sira ah!"
"Ugh! Not literally broke uhm-uh..." Hindi ko alam kung paano sasabihin, baka pagtawanan niya lang ako.
"Dali ang dami mo pang arte!"
" Uh uhm ano k-kasi AARGH! AYOKO NA!"
"Tss K.FINE! Hindi na lang kita pipilitin kung ayaw mo" at tinignan niya ako nang nakakaloko.
"Hay tara na nga" pagyayaya ko.
Ang hirap pala, tanggap ko pa sana kung sa lalake siya nagkagusto pero sa
Babae?
Wow! so ibig sabihin may pag-asa din pala ako kahit papaano?
Pero wala na, huli na ako. Hindi naman ako pwede manggulo, hindi ko naman siya pwede pilitin. Siguro ang kailangan ko na lang gawin ay tanggapin at suportahan siya. Bestfriend niya ako kaya dapat maging masaya ako para sa kaniya.
"Walang mangyayari kung kikimkimin mo yan"
"Alin?" pagmamaang-maangan ko
"Nice one Cyd hindi mo ako maloloko. Halatang may malalim kang iniisip jan"
