Yana's POV
"Hoy Stupid!" tawag ko kay Mira.
Napahinto naman siya sa paglalakad at humarap sa akin na magkasalubong ang kilay, kaya ang ginawa ko ay tinaasan ko siya ng kilay.
"Oh?" tanong niya
"Stupid ka!" Sabi ko
Maslalo naman kumunot ang noo niya at mukhang inis na inis.
"So tinawag mo lang ako para jan?!" Oops! Mukhang napasobra na ata ako, inis na inis na kasi siya.
Tss paano ko ba kasi sasabihin?
" Wala ka na ba ibang sasabihin nang makaalis na ako?" taas kilay niyang tanong.
Tss ang taray naman nito -__-
"Tss pwede ba makinig ka muna sa akin?!"
"Nakikinig naman ako" Pambabara niya. -__-
"Stupid" bulong ko
"Stupid?" Oops narinig niya.
"Wala ka na ba ibang sasabihin?" taas kilay niyang tanong
Paano ko ba ito sasabihin? Hindi ko alam kung paano sisimulan.
"Uh-uhm..."
"Well, kung wala na nga, aalis na ako"
Bago pa siya tuluyan makalabas ng pinto ay dali-dali ko siyang hinila dahilan para masmalo siyang mainis sa akin.
"What the?!"
"Wag ka muna umalis, hindi pa ako tapos diba?" Tss nakakainis -__-
"Sabihin mo na kasi"
