Mira's POV
Kailan ka kaya magigising sungit?
Hindi mo ba ko namimiss? Masyado ka na kasing nag-eenjoy sa pagtulog eh.
Mababaliw na ako dito oh! Gumising ka na sungit!
"Yana gumising ka na " mahina kong sabi habang nakatitig sa kaniya.
May naramdaman akong gumalaw nang pakiramdaman ko ito ulit ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
"Yana" yun lamang ang nasabi ko at unti unti na dumilat ang kaniyang mga mata.
"M-mira" mahina nitong sabi
Hindi ko na napigilan pa ang umiyak dahil sa sobrang tuwa. Gising na siya, gising na ang mahal ko.
Agad agad akong tumawag ng doctor. Pagkatapos i-check ng doctor ang kalagayan ni Yana ay laking tuwa ko dahil nasa magandang kalagayan na siya.
"Si mama?" tanong nito sa akin.
Hinawakan ko ang kamay nito at dinampian ng halik.
"Papunta na siya, tinawagan ko na" nakangiting sabi ko dito.
Para akong timang dito habang nakatitig sa kaniya. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil nakakausap ko na siya, naririnig ko na ang boses niya.
"Stupid mukha kang ewan dyan, makatitig wagas. Ano ngayon lang nakakita ng dyosa?" natatawa nitong sabi
"Nakakainis ka! Bakit ang tagal mo gumising? Titirik na yun mata ko dito kakahintay oh" nagtatampo kong sabi dito. Pero syempre biro lang.
Nakatanggap naman ng isang napakasakit na kurot galing sa kaniya.
"Stupid ka talaga kahit kailan! Hindi bagay sayo mag-inarte Mira"
"Tignan mo to, kakagising lang nananakit agad" mahinang sabi ko pero mukhang narinig niya kaya nakurot ulit ako.
