Sixty

1K 27 3
                                    

Mira's POV

"Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa nakabulagta yun tao"   

"Tss hindi ako nakatingin" Tanggi ko

"Oh come on! Bakit ba kasi hindi mo na lang siya lapitan dun. Hindi yun para ka isang creepy stalker jan"  

"Bakit hindi na lang ikaw ang lumapit May!" 

"Bakit naman ako lalapit? Magmukha lang akong epal sa kanilang dalawa"   

"Yun naman pala eh, so bakit ako lalapit kung magmumukha lang naman akong epal" 

 Lovers to strangers? Wow!

Kahit simpeng ngiti o simpleng Hi man lang wala. Nakakainis, wala man lang akong magawa para mapansin niya, wala man lang akong magawa para bumalik na siya. Yun mga efforts na ginagawa ko para sa kaniya araw-araw ay wala lang para sakaniya, binabalewala lang niya ang mga iyon. Sa napakadami kong text sa kaniya ay wala man lang reply, kahit isang blank message, wala o kaya simpleng question mark ay wala. 

Pero kahit na, hindi pa rin ako nagsasawa gawin ang mga iyon sa kaniya araw-araw. Corny? Well, hindi niyo naman ako masisisi kasi mahal ko talaga siya. I think I am head over heels for her. 

Namimiss ko na siya. Namimiss ko na marinig siyang tinatawag akong "stupid" Kahit na nakakainis , nakakainsulto ay ayos lang, sa totoo nga hindi ako sanay na lilipas ang isang araw na hindi niya ako tinatawag na "stupid"  Pero ngayon ilang linggo na ang nakakalipas ay wala, wala nang "stupid".

To: Yana

I miss you ♥
I love you ♥ :-/

"Stop that!"   sabay agaw ni May sa phone ko.

"Ano ba ang problema mo?!" Nakakainis naman itong si May oh -__-

"Ikaw! Nakakainis ka na, para ka nang timang jan. Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo. Kung hindi lang kaya si Yana ang sinusuyo mo jan, kunin mo din ang loob ng magulang niya" 

Napakaimposible naman ng gusto nitong si May. Sa tingin niya ba ganun kadali lang yun? Maski anino ko nga ayaw na makita ng mama niya, makausap pa kaya ako? Kahit gustohin ko man ay ipagtatabuyan lang ako ng mama niya. Kahit anong pagmamakaawa ko, panunuyo ko ay balewala lang. 

"Mabait ang lola slash mama ni Yana. Siguro nabigla lang siya nang malaman na ang nag-iisang apo niya ay uhm you know baluktot... Magsimula ka ulit,  paamuhin mo ang mama ni Yana, kunin mo ang loob niya"    

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon