Sixteen

3.8K 32 0
                                    

JOSH'S POV

Hay sa dinami-dami ng magiging karibal ko kay Cyd ay si Yana pa, ang best friend niya.

At eto namang si Cydney parang may something din. Ewan ko ba sa tuwing magkasama kami lagi na lang siya yun topic. Na gusto daw eto ng bestfriend niya, kaya bibilhin niya. Na gusto niya daw dalawin yun bestfriend niya kasi wala na daw  silang time na magbonding *SIGH*

Oh by the way, I'm Josh Cartelle ang boyfriend ni Cyd.

3months palang kami ni Cyd pero parang nagkakalabuan na, kasi lagi na lang kami nagtatalo tungkol sa bestfriend niya. Sino bang hindi magagalit eh sa tuwing magkasama nga kami ay lagi na lang yun bestfriend niya ang iniisip niya. Tapos nung isang araw pa, nagpaalam siya sakin na pupuntahan daw niya yun bestfriend niya kahit gabing-gabi na nun, pero dahil ayaw ko na magtalo kami ay pumayag na ako. Akala ko nga saglit lang siya dun pero nalaman ko na dun pala siya natulog. Okay lang sana sakin kaso nga diba parang may something siya dun, ay wait hindi lang pala siya pati na rin yun bestfriend niya.  Sino bang hindi magseselos dun?

Kaya noong isang araw ay kinausap ko yun bestfriend niyang si Yana. Sinabi ko lang naman na kung pwede medyo dumistansya siya kay Cyd.

FLASHBACK

"Oh Josh bakit?"

Nandito kami ngayon sa rooftop. Dito ko naisip na mag-usap kami para walang istorbo.

"Uh Yana hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa uh-uhm kung pwede lang medyo dumistansya ka ng konti kay Cyd, Ano ka-"

Hindi ko na natapos pa yun sasabihin ko ng biglang siyang nagsalita

"Bakit? Sa tinging mo kaya ko yun, eh bestfriend ko nga siya diba!" kalmado niyang sabi, pero sa tingin ko nagpipigil lang siya.

"Bestfriend? sa tingin mo hindi ko napapansin na may gusto ka kay Cyd. Kitang-kita ko sa mga reaction mo, lalo nung pinakilala niya ako bilang boyfriend niya na kulang nalang ay humagulgol ka ng iyak diyan, halos lahat nga ng mga kaibigan niyo natuwa ikaw lang yun hindi!"

"How can you be so sure about that? Hindi ba pwedeng masama lang talaga ang pakiramdam ko nun? Josh hindi mo ako kailangan pagselosan kasi kaibigan lang kami ni Cyd at isa pa babae ako duh!"  Kalmado niya pa ring sabi

"Yun na nga eh, babae ka nga pero may gusto ka pa rin kay Cyd. Hindi ko naman hinihiling na lumayo ka sa kaniya ang aking lang ay konti distansya lang please. Hindi ko naman sasabihin to sayo kung wala akong napapansin eh!"

Nakita ko sa reaction niya na nagulat siya kahit papano, pero parang pinipigilang niya yun.

" *sigh* Ewan ko ba kung ano yang pumasok sa isip mo Josh pero kung yan ang magpapakuntento sayo edi Fine, didistansya na ko, pero wag kang mag-eexpect na hindi mo na kami makikita na magka-usap o magkasama, dahil magkaibigan pa rin kami."

" Thank you, pero please sana pigilan mo yang nararamdaman mo"

" Okay. Sige na alis na ko may gagawin pa kami ! Don't worry hindi ko sasabihin sa kaniya ito"   she said with a smile pero alam ko na fake lang yun smile niya

.........

Waitiing for someone to love you back, is like waiting a rain in the middle of a drought.

Hindi ko alam pero parang imposible na mahalin niya din ako. Kahit anong effort ang gawin ko, kahit gaano ko pa ipakita or ipadama sa kaniya ang pagmamahal ko ay sa tingin ko hindi ko pa rin mapapantayan o malalamangan ang space ni Yana sa puso niya. Kahit hindi rin naman niya sabihin ay napapansin ko. Hindi naman ako tanga o bulag para hindi yun mahalata.

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon