Seventy

1.4K 37 2
                                        

Mira's POV

Nakakarindi na, nakakatulig na ang tunog na nagmumula sa makinang nakakabit kay Yana.  It’s been two days since the incident happened. Pakiramdam ko kasabay ng pangyayaring iyon ay tumigil din ang pag ikot ng mundo ko, parang nawala na ako sa sarili ko. Physically stable but mentally and emotionally unstable.  

Nakakainis, wala man lang akong nagawa para tulungan, mailigtas siya. Masyado na din late dumating ang mga pulis kaya nagawa pa makaalis ng PJ na iyon. Napakawalang hiya niya talaga, nagawa niya pang takbuhan ang ginawa niya, hindi man lang siya nakunsensya.

Para na akong mababaliw, hindi ako sanay na nakikita si Yana ng ganito. She looks so helpless, nakasuporta ang mga makinang ito sa kaniya.

“Mira magpahinga ka muna”  malungkot na sabi ng mama ni Yana.

“Di pa po ako pagod” 

“Dalawang araw ka na dito sa ospital, hindi ka man lang umuuwi, buti na lang may nagdadala ng mga damit mo dito” 

“May balita na po ba?”  Pag-iiba ko ng usapan.

Inip na inip na talaga ako. Wala man lang balita tungkol sa lintik na iyon.

Nakita ko maslalong nanlumo ang mukha ng mama ni Yana, malamang wala pa din balita.

“Wala pa, hindi pa din nila mahanap si PJ”  nanlulumo niyang sagot

Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa hayop na iyon. Kung sakaling makita ko man siya ay baka hindi ko na matansya ang sarili ko, kung ano pa ang magawa ko dun.

“Hindi po pwede ito, hindi pwede na hindi mapagbayaran ni PJ ang mga ginawa niya!” Medyo napataas ang boses ko dahil na din siguro sa halo halong nararamdaman ko ngayon.

“Pasensya na po”  paghingi ko ng paumanhin dahil sa pagtataas ko ng boses.

“Naiintindihan kita, kahit ako ay sasabog na sa galit dahil sa ginawa ng lalaking iyon”

“Hindi ko na talaga alam ang maaari kong magawa sa kaniya!”  Madiin kong sabi

“Kasalanan ko ito, kung sana hindi ko pinagpilitan ang apo ko sa lalaking iyon edi sana hindi mangyayari ang lahat ng ito”  

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon