Eighteen

4.1K 27 0
                                        

Yana's POV

Bakit ganun? Dapat diba maging masaya ako? Kasi ayun na yun pinakahihintay ko dati pa!

Flashback

Nandito kami ngayon ni Cyd sa playground na madalas namin puntahan palagi. Umupo agad ako sa swing kasi namiss ko talaga yun.

Mga ilan mins. na rin ako nagsiswing pero nakatayo pa rin dun sa may puno si Cyd. Ano naman kaya problema nito?

"CYD!" then nilapitan ko siya.

Ngumiti lang siya pero parang pilit? Tss ano naman kaya drama nito?

"Hoy, ano na?" tanong ko. Baka kasi makalimutan niya na may sasabihin pa siya sakin.

"Hmm?"  La! ano nakalimutan niya na?

"Hoy bruha diba may sasabihin kapa sakin." then hinila ko siya papunta dun sa swing pero hindi siya nagpahila.

"Bakit?" tanong ko

"Pwede ba dito na lang tayo mag-usap." at umupo na siya sa ilalim ng puno. So no choice na din ako kundi umupo.

"Ano ba yun sasabihin mo?" pagsisimula ko

"Uh-uhm pwede ba magpromise ka ulit na hindi ka magagalit or lalayo sakin" 

Huminga ako ng malalim at tinaas ko yun kanan kamay ko na parang nanunumpa.

"PROMISE, kahit ano pa yan sabihin mo hindi ako lalayo or magagalit sayo. Walang magbabago sa atin!" 

Umusog siya palapit sakin then huminga  siya ng malalim. Ano bang nangyayari dito? WEIRD..

"Uhm paano ko ba sisimulan? AH-eh ganto kasi yun uhm ano .. ano ka-kasi" 

"Hoy umayos ka nga para may maintindihan ako"   tss may maiintindihan ba ako kung utal-utal siya?

"Hay ganto kasi yun, uhm e-ewan ko kung kelan to nagsimula basta alam ko dati pa lang na..na.."

"NA?" tanong ko. Tss paputol-putol naman oh. Kinakabahan na kaya ako dito.

"Na uh-uhm na gu-gusto I mean na ma-mahal na kita!" 

"Hahaha ako din naman eh" at napatingin siya sakin.

"Natural lang yun kasi bestfriends tayo at para na din tayong magkapatid"  dagdag ko

"No! Hindi mo ako naiintindihan mahal kita more than friends, more than siblings.  Mahal kita higit pa dun!" 

Shocks! Hindi ko alam ang magiging mareaksyon ko. Hay dapat diba maging masaya ako kasi mahal niya din pala ako eh bakit parang wa-wala? Ano ba ito, matagal ko na ito hinihintay tapos ano hindi man lang ako matutuwa? Bakit hindi man lang ako kiligin? Bakit parang wala na yun nagrarambulan sa tiyan ko sa tuwing magkasama kami? 

At isa pa, BAKIT SI MIRA ANG BIGLANG PUMASOK SA ISIP KO? A-ano naman ka-..

"Hey Yana!"  then niyugyog niya ako na dahilan para bumalik ako sa katinuan.

"Uhm Cyd hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko pero masaya naman ako kahit papaano na ma-mahal mo ko higit pa dun pero di ko muna ma-ipropromise na magagantihan ko yang nararamdaman ko uhm I mean not know, maybe someday? For now, bestfriends / sisters muna pa rin tayo"

I love you, not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon