Mira's POV
Ilang buwan na ang nakalipas pero hindi pa rin nagigising si Yana.
Hindi ko maintindihan, ang sabi ng doctor ay magigising din siya agad pero bakit ganito? Ano na ang nangyayari? Yana bakit hindi ka pa rin nagigising?
"Miss na miss na kita Yana" malungkot ko sabi habang hawak ang kamay niya.
Hindi ko mapigilan na mapuluha. Tangi ang tunog ng nakakabit na makina sa kaniya ang naririnig ko. Nakakarindi na.
"Kailan ka ba magigising sungit?"
Ganito palagi ang ginagawa ko. Walang sawang kinakausap siya, nagbabakasakali na naririnig niya ako. Malay din natin, baka magising na rin siya.
"Yana marami na naghahanap sayo. Miss na miss ka na rin nila Cyd, wala kasing masungit na nambabara sa kanila. Yun pagiging reklamador mo, yun pagiging Kj mo nakakamiss na"
Maya maya lang ay dumating sila Cyd, pero wala si Alec at si May.
Napapansin ko lang madalas na magkasama ang dalawang iyon. Minsan patakas pa sila lalabas pero syempre nahuhuli ko dahil itong magaling kong pinsan ay hindi marunong maglagay ng password sa phone o di kaya itago ito.
Kung hindi lang ganito ang kalagayan ni Yana baka kanina ko pa kinulit nang kinulit ang dalawang yun.
Lumapit agad sa akin si Tin at binatukan ako nang pagkalakas lakas.
"Aray! Bakit mo ginawa yun?" inis kong tanong dito