Yana's POV
"Pumasok ka na" sabi sa akin ni Cyd
"N-natatakot ak--"
"Ano ba ang ikinatatakot mo?!"
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka matamang tinignan ako sa aking mga mata.
"Wala ka dapat ikatakot Yana, andito naman kami. Sisiguraduhin ko na hindi makakalapit sayo ang hayop na yun"
"P-pero--"
Hindi ko nanaman natapos pa ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya.
"Pumasok ka na please, marami ng naghahanap sayo. Namimiss ka na nga nila" malumanay niyang sabi
"Lalo na si Mira" dagdag niya
Si Mira....
Gustong-gusto ko na siya makita. Gusto ko na makabawi sa kaniya, sa lahat ng nagawa ko sa kaniya.
Pero matatanggap niya pa kaya ako?
"Wag ka mag-alala, kakausapin ko si Mira. Sasabihan ko siyang mag-usap kayo" Nakangiting sabi ni Cyd.
* * * * * * * * * *
Maagang pumunta si Cyd sa bahay para sunduin ako. Wala dapat akong balak pumasok pero naisahan niya ako, napakaaga niya pumunta sa bahay at inapura ako sa pagpasok. Siya na din mismo ang gumising sa akin.
Pagkarating namin ng school ay sinimulan na ako kabahan.
"C-cyd pwede ba sa susunod na linggo na lang ako pumasok?"
"Hindi!"
Nauna siyang bumaba ng kotse at ito ako, nakaupo pa rin sa loob. Kinakabahan talaga ako.
Iritable niyang binuksan ang pinto ng kotse.
"Yana bumaba ka na, hindi pwede na dito ka lang buong araw" Inis niyang sabi
