EPILOGUE

41.9K 965 216
                                    

4 YEARS LATER

I gasped. Ang ganda. Para akong nasa langit. Ilang bansa na ang nalibot ko, ilang dagat na ang nakita ko, at ilang bundok na rin ang naakyat ko. Nasa tuktok ako ngayon ng bundok kasama sila Harvey, Jess, ate Milan, boyfriend niya, Angelo, at girlfriend niya. Nasa Sagada kami. Ang saya lang maging seventh wheel. Ginawa lang nila akong photographer.

"Is he still mad at you?" Ate Milan asked.

I nodded. After ko umalis sa hospital, hindi ako sinundan ni Dale o pinuntahan man lang. Siguro kasi alam niyang ayoko rin naman makipagkita. A year later, gumraduate na ako. Nag travel muna ako. Yung blog ko, sobrang naging successful din. Nag tayo rin ako ng buffet restaurant with the help of ate Milan, mommy, and daddy. I did keep myself busy during my lowest times.

Nabalik ko naman na sa kanila lahat ng utang ko. Ang laking tulong din ni ate Glimpse dahil ang galing niyang mag luto. Nagaral nga siya ulit at naging isa siya sa mga chefs ng restaurant ko. Unexpectedly, nageenjoy siya ngayon ng sobra. Sila mommy at daddy naman, nageenjoy magalaga ng bata. 4 years old na si Gabriella, anak ni ate Glimpse.

2 years later, nagkita kami ni Dale, pero hindi niya ako pinansin. Sobrang busy na niyang engineer. Sabi nga ni Harvey, lagi silang magkakasama nila Yuan at Yosef ngayon. Tinanong ko rin siya kung may girlfriend na si Dale o kaya naman may nagugustuhan na siya. 

"Bakit hindi na lang kasi kayo magusap? Ako ang pinapahirapan niyo eh," I smiled at his answer. Ibig sabihin, nagtatanong rin si Dale tungkol sa akin.

Last year, twice lang ata akong umuwi sa Philippines. Nagulat nga ako dahil nakita ko si Dale sa Gardens by the Bay, Singapore. Sure akong siya 'yun! Lalapitan ko sana, pero bigla naman siyang may kinausap na babaeng mukhang Singaporean. Nakita ko rin siya noong nagpunta ako sa Thailand, Malaysia, Japan, at Korea. 

Dahil nga wala ako last year, sila ate Milan at ate Glimpse muna ang nagasikaso ng resto. May skype, viber, at whatsapp naman. Kahit may restaurant na ako, I didn't stop travel writing. Isa pa, kumikita at nakakalibre ako dahil sa blog ko. Ang dami ko na ngang sponsors. 

Bawat bansa na napupuntahan ko, may journal ako. Every person I meet, pinapasulat ko sa journal ko. Syempre, ayoko rin naman makalimutan yung mga tao pag naglilibot ako. Ang dami ko na ngang kaibigan na iba't iba ang lahi, pero syempre, si Jess pa rin ang orig.

"Ang tanda na natin, pero hindi ka pa rin nagbabago," Sabi ni Jess. "Mia, hello?! Ikaw ang nangiwan tapos siya ang unang makikipagusap sa'yo? No way! Buti nga hindi ka pa niya pinapatay kasi kung ako sa kanya, nag girlfriend na ako ng iba. And hello again, Mia?! Sinusundan ka na nga niya, pero wala ka pa rin ginagawa!"

I rolled my eyes. Ang totoo, natatakot ako. Natatakot ako na pag kinausap ko siya, hindi niya ako tanggapin. Ang kapal ng mukha ko dahil hinihintay ko siyang kausapin ako, pero hindi naman ako gumagawa ng paraan para kausapin niya ako. After a year, dapat babalikan ko na siya, pero sabi ko 'next time' na lang. Puro 'next time' na lang hanggang sa naging 'no time' na.

Busy na siya sa buhay niya. Busy rin naman ako. 

"Saan next trip mo?" Tanong ni Harvey.

"Paris," I answered. Sa wakas, mapupuntahan ko na rin ang Eiffel tower.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon