CHAPTER TWO

35.8K 804 59
                                    

Stephen, Jess, and I talked for a while. May mga baon daw siyang pick-up lines. Grabe, hindi pa rin siya nagbabago. He's still funny, but he said he still likes me. I don't deserve him, though. Sobrang stubborn ng puso ko kasi kahit anong gawin ko, si Gerard lang talaga. Niloloko pa nga kami ni Jess.

Pagkaalis ni Stephen, pinaghahampas ako ni Jess.

"Sana si Stephen na lang..." He frowned.

Si Stephen kasi, gisto na akong ligawan since highschool, pero hindi naman ako pumapayag. Sabi niya hihintayin niya ako kahit na gaano pa katagal, pero hanggang friends lang kasi talaga. Nagrereklamo ako na nafifriendzoned ako pero nangfifriendzoned naman ako.

Kung pwede lang talagang turuan puso ko, matagal ko ng ginawa. Noong uwian na namin...

"Mia, mauna na ko. May pupuntahan pa kami nila daddy eh. Nakakapagod. Kaya mo na bang tumawid at mag commute mag-isa?"

"Oo naman! Ilang beses na akong nagcocommute no!"

"Oo nga eh. Ilang beses ka ng nagcocommute, pero lagi kang napapahamak. Bakit kasi ayaw mo pumayag mag hire sila tita ng driver? Ilang beses ka ng tumatawid, pero lagi ka namang muntik masagasaan."

Hindi kasi talaga ako sanay magcommute mag-isa. Sanay ako ng may lagi akong kasama o kaya naman hinahatid at sundo, pero college student na ako. Kailangan ko ng matuto. Hanggang ngayon nga, hindi pa rin ako marunong tumawid. Ilang beses na din ako tumatawid mag-isa, pero lagi na lang akong muntik masagasaan. Bakit ba kasi hindi gumagana yung stop light?!

"Kaya ko na!"

"Sure ka na ba? Basta wag kang papayag na mahal yung singil sa'yo ng cab ah. Alam mo naman, madaming madadaya ngayon. Or kung gusto mo naman, magjeep ka na lang. Pero wag mong ililitaw cellphone mo at alisin mo mga alahas mo!"

"Opo!" Tumawa ako. She's like my mom, sometimes. Mas mahal ko si Jess kay Gerard. Hindi ata ako makakasurvive kung wala siya. Umalis na si Jess at niready ko na gamit ko. Lumabas na ako ng university. Ito na, tatawid na ko.

"SHEEEET!"

May humila sa akin. Tinakpan niya bigla yung bibig ko. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalin. Yung braso niya nasa neck ko kaya di ko siya makita. I was so nervous! Sobrang dilim na rin kaya kung papatayin niya ako, baka bukas na makita katawan ko!

"HOLDAP 'TO!"

"Manong, dalawang beses na po ako nahoholdap. Parang awa niyo na. Maawa ka sa magulang ko. Sobrang Sige na manong holdaper. Maawa ka sa akin."

Naiiyak na ako.

"Ano po ba gusto niyo? Ito na po yung mga gamit ko."

"IKAW ANG GUSTO KO!"

"Manong holdaper, hindi pa po ako nahahawakan ng kahit na sino. Maawa ka sa akin. Mahal ko po sarili ko. Ibibigay ko po mga gamit ko, wag lang yung ANO ko. Aaaaaaah!" Sumigaw ako kaya may lumapit na guard. Binitiwan naman ako ng holdaper.

Pagtingin ko sa kanya, tumawa siya nang tumawa. Ako naman, shocked pa rin. Hindi pa rin nagsisink in sa akin na si Gerard nasa harap ko.

"Magkakaladyaan na nga lang kayo, dito pa! Mga bata nga naman talaga sa panahon ngayon. Ano ba ginagawa niyo dito at kung anu ano ginagawa niyo?! Hindi ba kayo hinahanap ng magulang niyo?!"

Umalis na si manong guard after mag sorry ni Gerard. Tumawa na naman siya nang tumawa. Tumingin lang ako sakanya, with my poker face.

"Sige tawa pa," Sabi ko sa kanya. Nag walk out ako doon. Hindi ko inisip ginagawa ko pero tumawid ako. Nakakainis! Alam naman niyang naholdap na ako dati! Masaya akong hindi totoong holdaper 'yun

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon