CHAPTER FOURTEEN

23.2K 628 54
                                    

3RD PERSON'S POV

Nagiinuman sila Mia, Dale, at Milan nang may nag door bell...

"Ako na," Sabi ni Milan, ate ni Mia. Tumayo siya at lumabas na. Pag bukas niya ng gate, nagulat siya kung sino ang dumating.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Milan, galit na galit siya kay Gerard. Hindi man halata pero ayaw na niya kay Gerard para kay Mia. Akala niya dati, may gusto ang binata kay Mia pero noong pinilit niyang i-kwento ni Gerard sa kanya ang mga nangyari, sobrang naawa siya kay Mia at saka niya sinampal si Gerard. Over protective kasi ang buong pamilya kay Mia dahil siya ang bunso at dahil na rin sa nangyari dati sa kuya nila.

"Ate Milan, nandito ako para mag sorry kay Mia..."

"Para saan pa? She's already happy without you. Let her move on for Chrissakes!" Galit na galit na si Milan. Pakiramdam niya, masyado ng malungkot ang kapatid niya at pag nakita pa ng kapatid niya si Gerard, lalo lang siyang masasaktan. Martyr na nga kapatid niya, pinaasa pa. Ang lala lang, diba?

"Pero gusto ko lang mag sorry. Hindi ako makatulog... Hindi ako makakain kakaisip kung ano na nangyari sa kanya. Kanina, umiiyak siya dahil sa akin. Wala akong magawa dahil kasama ko si Dyan. Kaya ngayon, hindi ko na natiis. Pumunta ako dito para mag sorry. I feel bad 'cause after all, she's my friend. We need to talk," Sabi ni Gerard. 

"May gusto ka ba sa kapatid ko?"

Yumuko si Gerard at umiling, "Kapatid lang talaga, ate Milan."

Napabuntong hininga na lang si Ate Milan, suko na siya. Papapasukan na niya sana si Gerard nang may humintong sasakyan sa tapat ng gate nila. Sa sasakyan, may bumabang maganda, matangkad, at sexy na babae. 

She was half running towards Milan, "Excuse me. Is Yohan here?" Napatitig lang sila Milan at Gerard sa kanya.

"At sino ka naman?" Tanong ni Milan, nakapamewang pa.

"I'm Amanda Shienelle Macaren. I'm Yohan's friend po. We just need to talk," She explained. Mabait si Amanda at kahit na maarte at shoppaholic siya, hindi naman siya matapobre at mayabang. Hindi rin siya namimili ng kaibigan niya.

Milan sighed again. Wala na siyang nagawa at pinapasok na yung dalawa. Pag dating nila sa garden ng bahay nila Mia...

Nagulat si Amanda dahil may kayakap si Dale. Kaya siya nag punta sa bahay nila Mia dahil akala niya, umiinom si Dale dahil ni-reject niya ito. Hindi niya inaasahan na ganoon ka-bilis magkakagusto sa iba si Dale. Alam naman niyang maraming nagkakagusto dito at playboy din 'to kaya wala ng bago pero kahit na aware siya, nasasaktan pa rin si Amanda. 

Nagulat din naman si Gerard sa nakita niya. Tinatanong niya sa sarili niya kung pinagpalit na siya ni Mia. Tinatanong din niya sa sarili niya kung bakit niya yun tinatanong eh wala naman siyang gusto kay Mia. Isa pa, masyado na siyang madamot para tanungin pa 'yon. Nakuha na nga niya gusto niya eh. Gusto pa ba niyang saktan lalo si Mia? 

Si Milan naman, natutuwa sa loob loob niya dahil sa wakas, hindi maiisip ni Gerard na hindi naman siya ganoon ka-importante kay Mia.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon