CHAPTER TWENTY

21K 541 33
                                    

Pagkatapos ng araw na 'yon, lagi kong naiisip yung mga sinabi niya sa akin. Seryoso ba siya? Oo, gustung gusto ko mag move on, pero ayoko pa mag-mahal. Alam niyo yung kakagaling ko lang sa major heart break tapos may bago na naman? Siguro next year o next next year, okay pa, pero after a month?! Fudge, I can't force myself to like someone. 

By the way, hindi ko na nakikita sila Dyan and Amanda, pero si Gerard, araw araw dahil sa Math course namin. Pag napasa ko yung Math, makikita ko na naman siya next sem dahil sa prerequisite 'non. Ewan ko ba. Kahit anong pilit kong hindi siya pansinin, tuwing lilingon ako, siya nakikita ko. I unfriended him on fb, unfollowed him on twitter, deleted his number, and threw the things he gave to me. Nagmumukha na akong pathetic, seryoso. In fairness, effective naman kahit papaano.

Ngayon, sila Stephen at Jessica ang lagi kong kasama. Minsan nga, iniisip ko kung sabihin ko kaya kay Stephen na kunwaring makipagdate siya sa akin, para pag dating ni Dale, hindi na niya ako pwedeng pilitin. Pero syempre, ayoko mangyari 'yon dahil unfair yun sobra for Stephen.

Ang bilis ng panahon dahil one week na lang, one month na. Sana nga joke lang yung mga sinabi niya. Sana joke lang talaga.

"Hoy, bru! Ba't ka nakatunganga diyan? Mag solve ka nga!" Tanong ni Jess. Break time kasi namin ngayon at napapractice ako mag solve ng Math problems.

"Ito na nga!" Sabi ko. Mahirap pa din ang Math, pero totoo pala sabi nila. Practice lang ng practice at makakaya ko rin 'to. Kahit gaano kahirap.

"Nagtext na ba si Dale?" Tanong ni Jessica, parang kinikilig. Bumili pala si Stephen ng pagkain para sa aming tatlo. Sabi ko nga, samahan na namin siya pero mag solve na lang daw ako ng mag solve. Kaya sabi ko, si Jess na lang pero hindi siya pumayag dahil wala daw akong kasama.

"Kahapon," Sabi ko.

"Talagaaa?!" Inalog alog niya ako. "Ano sabi?"

I sighed, "Diba nga may group project tayo sa Lit na parang hindi group project kasi tayo lang ni Sev yung gumagawa?" Si Sev yung group leader namin, pero ako kasi yung naasahan sa props kaya ako yung nagdadala ng mga gamit. May play kasi kami. 

She nodded, "So?"

"So hinatid ako kahapon ni Sev since on the way naman yung bahay niya sa amin tapos biglang nag text si Dale."

*FLASHBACK*

From: 1

Message: I told you not to date anyone but me

Grabe! Paano niya nalaman?!

From: Me

Message: Stalker ba kitaaa

From: 1

Message: Obvious ba?

From: Me

Message: So anong gusto mong gawin ko?

From: 1

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon