CHAPTER ONE

81.6K 1.1K 86
                                    

"Lagi na lang si Dyan, Dyan, Dyan! Kapag hindi mo ako kailangan, okay sige, walang pansinan. Pero kapag may problema, bigla bigla ka na lang magtetext. Diba si Dyan bestfriend mo? Oo nga pala, si Dyan kasi lagi ang problema mo," I sighed. Nababaliw na naman ako.

"Hoy, Mia! Stop talking to yourself! Lumabas ka na nga diyan sa kwarto mo. May pasok ka pa, baka nakakalimutan mo. Puro ka Gerard diyan. Aral muna!"

Si Ate Milan talaga, lagi na lang wrong timing. Ilang beses na kasi niya akong nahuhuli na kinakausap ang sarili ko. Kung hindi sa harap ng salamin, sa wall o kaya sa CR. After my brother died, I started talking to myself. It had become one of my coping mechanisms.

Nag ready na ako. Classmates nga pala kami ni Gerard, pero late na ako. For sure, magagalit 'yun. Ilang minutes lang, nakarating na din ako sa room namin. Tuluy tuloy lang ako since wala naman pakielam yung prof. Isa pa, favorite ako ng professor namin sa course na 'to. I sat beside Gerard.

"Bakit late ka na naman? Just because Dr. Cruz praises you doesn't mean he won't fail you," Sinermonan na nga niya ako, kinikilig pa ako. Wala lang, concerned kasi siya.

I was late because of procrastinating. I was late because of him! Like any other love stories, ako lang naman si Amijia Suzette Hernandez, 2nd year college, na in love sa kaibigan ko, pero siya, in love sa best friend niya na may boyfriend na mas mayaman. Tss, mas gwapo naman si Gerard no!

I winked, "Secret!"

"Di nga?" He was looking at me with a doubt.

"Psst. Kayong dalawa diyan! Kung ayaw niyo makinig, just keep quiet. May mamaya pa naman eh. Kayo talaga!" Sabi ni Jess na nasa likod naming dalawa.

Niloko na naman niya kaming dalawa. As usual, natahimik na naman si Gerard. Ganyan naman siya lagi eh. Kapag inaasar kami sa isa't isa, either tatahimik siya o babaguhin niya yung topic. Pero sa akin lang siya ganito. Pag iba kasi, tatawanan pa niya. Iniisip ko nga minsan, alam na kaya niya yung feelings ko kaya ganyan siya? Awkward ba sobra pag iniinis siya sa akin? Siguro, close kasi kami.

BAKIT BA KASI KAMI NAGING CLOSE?! HAHAHA!

"Ah. Mia, anong oras na?" See? Binago na naman niya yung topic. Ayaw lang niya talaga nalilink ako sakanya. Syempre, malandi utak ko kaya gusto kong niloloko ako sa kanya. Hindi naman kasi niya alam, ba't ko pa idedeny? Lolokohin ko lang sarili ko no. Oo nga pala, hindi makapal mukha ko, pero hindi rin ako pakipot.

I narrowed my eyes, "Niloloko mo ba ko?" Hindi kasi ako marunong tumingin sa orasan. Everytime tatanungin ako kung anong oras na, mali ang nasasabi ko. Instead of 2, 1 or 3 PM ang sasabihin ko. It really confused me. Daig pa ako ng mga bata pag dating sa pagtingin ng oras.

"Oo nga pala," He said after realizing he couldn't answer his question. Nag joke pa nga siya na kahit hindi ko nagets, tinawanan ko para ma-satisfy siya.

Pagkatapos ng ilang oras na feeling ko, seconds lang, natapos na din ang mahabang discussion namin ni Gerard. I mean discussion ni Dr. Cruz.

"Naintindihan mo ba yung lesson?" Tanong ko habang nakahawak sa forehead ko. Yung attention ko, na sa kanya lang kaya hindi ko na alam kung anong tinuro ni Dr. Cruz. Ang naintindihan ko lang, may test next meeting. Ano naman isasagot ko, diba? Baka puro 'Gerard' ang masagot ko sa test!

"Oo naman," Damn, how did he do that?!

"What?! Diba dinadaldal mo lang ako?"

He just laughed at my question and offered me a free tutoring service. Dahil nga hindi ako pakipot, nilunok ko pride ko at pumayag sa offer niya. Lagi kasi kaming nagpapataasan ng grades, pero dahil tinanggap ko yung free tutoring service niya, para ko na rin tinanggap na mas matalino siya sa akin!

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon