CHAPTER THIRTEEN

24.1K 589 42
                                    

"Have you eaten yet?" Tanong ni Sir Dale. Naglalakad na naman kami sa labas ng university. Napagod na ako itanong kung ano yung secret dahil hindi naman niya sinasabi. Pero sabi niya, malalaman ko din naman daw when the right time comes. Kailan ang right time?!

"Wala akong gana kumain," Sabi ko kasi totoo naman. Simula noong nakita ko sila Dyan at Gerard na naglalandian, wala na akong gana gumawa ng kung anu ano including eating.

"Gusto mo bang magkasakit?" 

I nodded, "Gusto ko na magkasakit tapos magkaamnesia tapos pag gising ko, wala na akong maaalala. And by the way, let's not see each other again. Ayoko na muna magkaroon ng kaibigan na lalaki. Nakakabaliw."

"Have you forgotten what I said? Non-verbatim, 'If you ask me to go, I wouldn't leave'. I meant it as well, Mia," Sabi niya. "Let's eat. I'll call my driver."

Ilalabas na niya sana phone niya pero I stopped him, "Wait! Okay okay, sige na. Friends na nga tayo, okay. Pero I owe you pa kaya my treat. At dahil libre ko, ako ang magdedecide kung saan tayo kakain. Tara na!"

Naglakad lakad ako hanggang sa nakita ko na hinahanap ko, "Sige na, pumili ka na. Kahit ano, kahit ilan," I smiled.

Poker face lang siya habang tinitingnan yung mga street food. 

"Hindi mo alam kung ano yan?" Tanong ko. Sinadya ko talaga 'to. Kung sa carinderia nga, di pa siya nakakakain, dito pa kaya?

Lumunok siya, "Alam."

"Alam mo naman pala eh... Wait! Don't tell me, di ka pa nakakakain ng isaw? O kaya naman day old? O kaya naman dugo tapos kwek kwek."

He whispered, "My parents forbid me to eat those." Nakatingin pa rin siya mga pagkain. Hindi ko na napigilan yung tawa ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA SOBRANG NAKAKATAWA KA!"

"Niloloko mo ba ko?" Ang sama ng tingin niya. 

"Sabi mo gagawin mo lahat ng iuutos ko. Sabi mo boss mo ako-"

"Miss, isa ngang orange na bilog and yung stick tapos may nakatwirl-"

"HAHAHAHAHAHA ATE, KWEK KWEK AT ISAW DAW PO. HAHAHAHAHAHA!" Hinampas ko siya. "Twirl ka diyan. ISAW YAN, ISAW. HAHAHAHAHA!"

Hindi ko kinakaya ang lalaking 'to, masyadong RK. Hahahaha!

"Ilan?" Nagpipigil si ate ng natawa lalo tuloy akong natatawa.

"Walang nakakatawa," Sabi niya. Namumula na siya. Hahahaha! Tumingin siya kay ate, "Isang isaw at isang kwek kwek."

Pagkabigay na pagkabigay sa kanya ni ate ng isaw at kwek kwek, tiningnan niya muna ito. Hindi niya nga alam kung paano isusubo yung isaw. Pavertical ba o pahorizontal. Hahahahaha! Umorder din ako ng sampung isaw. Nagulat pa nga si Sir Dylan. 

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon