CHAPTER TWENTY ONE

19.5K 602 20
                                    

(A/N: Grabe, guys. First time na-holdap ni Mia. Hahahaha! Fake holdap lang yung dati, diba? Hihihihi. Anyway, here it issss! Hehehehe!)

Sa panahon ngayon, ngayon ko kailangan na kailangan ng superman at knight in shining armor. Kahit alam ng mga pasahero at driver ang nangyayari, kunwari wala silang pakielam para hindi sila madamay. Kung ako rin naman sila, ganoon din siguro gagawin ko. Ayoko pa mamatay kaya binigay ko na lang lahat ng gamit ko. Saktong pagkabigay ko ng gamit ko, may pumasok sa loob ng jeep. Umupo siya sa tabi ng holdaper...

"Isoli mo gamit niya," Sabi ni Gerard. Bakit siya nandito? Sinundan ba niya ako? Akala ko bumaba na siya kanina sa station niya.

No no no, hindi pwede.

"K-Kuya, sige kunin niyo na lahat. Wag mo siyang pansinin," Sabi ko. Kahit natatakot ako, importante pa din sa akin si Gerard. Ayokong mapahamak siya lalo na't dahil sa akin.

"Hindi ko pa kayo ipapakulong o kahit ano. Basta bumaba na po kayo," Sabi ko at kinuha mga gamit ko sa loob ng pockets ko. Sa kabila, may pera at sa kabila naman, yung phone ko. Binigay ko sa kanya lahat ng 'yun. "Yan na po lahat ng meron ako."

Buti naman at bumaba na yung lalaki. 

Pagbaba ko ng jeep, sobrang tamlay ko. Nakakatrauma. Naiisip ko pa rin yung kutsilyo na nakatutok sa akin kanina. Isang galaw ko lang, pwede na akong masugatan o masaksak. Pero mas gugustuhin ko na yun kaysa mapahamak si Gerard. Kahit na takot na takot ako kanina, hindi na yun mahalaga. Ang importante, walang nasaktan. Hindi siya nasaktan.

Pagkadating namin sa tapat ng gate...

"Thank you," Sabi ko. Hindi ako makatingin sa kanya. Tuwing tinitingnan ko siya, halu-halo lang nararamdaman ko, pero mas nangingibabaw yung sakit at awkwardness. Nangingibabaw yung pagkawala ng trust at friendship namin.

Kasalanan ko naman dahil minahal ko siya kahit alam kong kapatid lang talaga ang tingin niya sa akin. Porkit ba hinalikan niya ako, gusto na niya ako? Hindi ko talaga alam, naguguluhan na naman ako. If you want someone to shut up, kailangan mo ba talagang halikan para tumigil kahit wala kang nararamdaman para sa kanya?

Bumabalik na naman yung mga tanong ko...

Pero kahit gaano pa ako ka-curious o kahit gaano ko pa ka-gusto malaman ang mga sagot, hindi na rin 'yun mahalaga.

Bakit? Kasi hindi naman ako ang pinili niya. Kung tutuusin, para ako pa nga ang kontrabida sa love story nila ni Dyan. Ako kasi yung in love sa bidang lalaki na in love naman sa bidang babae. Kung tuluyan akong lalayo, magiging masaya na kaya sila? Pwede din, diba? Kung patuloy akong lalayo sa kanila, hindi na ako aawayin ni Dyan.

"Mia, sorry."

I looked at him sabay tumulo ang luha ko. I tried to smile.

"It's okay- No. It's not okay, pero wala na rin naman akong magagawa. Hindi mo naman kasalanan na hindi ako minahal mo. Katulad nga ng sabi mo dati, hindi mo kayang i-bigay hinihingi ko." Tuluy-tuloy lang luha ko pero tuluy-tuloy din ang pag punas ko sa bawat patak nito. "Pero ano nga bang hinihingi ko? Dati, aaminin ko, hinihingi kita. Pero ngayon..."

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon