CHAPTER EIGHTEEN

23.7K 555 21
                                    

Hindi ako makabangon kaninang umaga sa sobrang puyat! After namin mag-sayaw kagabi, sinayaw din ako nila Harvey, Wayne, Jaxon, and Reggie. Inaya pa nga ako noong pinsan ni Dale pero hindi pumayag si Dale at sinayaw ulit ako. Bakit ganern?! Diba ako dapat ang nagdedecide? Sumakit din yung paa ko dahil sa taas ng heels at dahil na rin sa tagal kong pagtitiis na suotin 'yon.

Nasa school na ako ngayon at kinukulit ako ni Jessica kung ano nangyari kagabi kaya kinwento ko na. Hindi ko rin naman kasi siya kayang paglihiman. Nahuhuli din ako pag nagtatago ako ng something. Siya na talaga ang parang nanay ko, diba?

"OMG! Alam mo naman na ayoko kay Gerard for you, diba? Ikaw naman kasi, ayaw mo makinig!" Siniko niya ako. Maka-sermon naman!

"Aray naman ha?"

"Dapat lang yan sa'yo, no. Kung ako sa'yo, give Dale a chance. Wala naman mawawala," Sabi ni Jessica.

"Chance na... ano? Alam mo, friends lang kami. Isa pa, hindi pa ako ready. He's a playboy, Jess, at sabi niya, hindi niya kaya mag seryoso. Kaya yun, hanggang friends lang talaga."

She nodded, "Sabi mo eh. Nawalan ka na ba talaga ng pag-asa sa Math?"

"Bakit? Ayoko na talaga pumasok eh. No chance na ako doon. Wag mo na akong pilitin!"

Kaya noong Math class na, hindi ulit ako pumasok. Tumambay na lang ako sa may table sa gilid ng isang building at naginternet gamit phone ko. Kaya din ako mabilis ma-lowbat dahil puro internet ginagawa ko. Thank you, school's wifi! Kahit medyo mabagal, pwede ng pagtiyagaan.

Nag facebook ako at nakita ko... 

Yohan Dale Araneta accepted your friend request.

WOW TALAGA, HINDI KO KASI TALAGA SIYA INADD! I sighed. Hindi pa rin niya nilalog out yung account ko sa isang laptop niya. I opened his account and ta-duh! Mukhang private account 'to. Ang daming pictures na naka-tag sa kanya. Merong nagreracing siya, may picture din siya na stolen shot tapos nagssmoke, meron siyang picture na kasama friends niya tapos ang saya nila. Nandoon pa nga si Harvey. Inadd din nga pala ako ni Harvey. Okaaay.

Ilang sandali lang, may nag tag na sa akin ng madaming pictures. Si Harvey yung nag tag sa akin! Madami kaming pictures na magkahug ni Dale habang nagsasayaw. Buti hindi halatang umiiyak ako dahil nasa dibdib niya ako. May mga pictures din kami ng mga friends ni Dale na magkakasama. May stolen shots pa nga ako, side view, at yung nakangiti talaga. Meron din yung kiniss ako ni Dale sa temple ko.

Hindi ko na lang pinansin. Bakit ko papansinin?!

Habang nagsscroll ako sa newsfeed ko, may tumawag sa akin...

"Mia?"

Pag tingin ko, "Stephen."

"Pwede na ba tayo mag-usap?"

I smiled and nodded, "Yeah." Awkward pa din, pero hindi na ako galit. Alam kong lasing lang siya kaya niya nagawa 'yon at nadala lang din siya ng selos at frustration.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon