"If I court you, would you let me?"
Hindi ko alam sasagot ko. Nakatingin lang ako sa kanya.
He smiled, "You don't have to answer me right away." He stopped dancing, inalis niya yung hands ko sa neck niya, at hinawakan isang kamay ko. He was about to go back when I held his hand tight. I felt him stiffened.
"Wait, ayaw mo ba marinig sagot ko?" Tanong ko.
He sighed and turn around, magkaharap na ulit kami, "What?"
I nodded, "Naexperience ko ng masaktan, umasa, at mag-hintay. My heart had been broken a lot of times by the same man and I realized he wasn't worth it. Sinayang ko yung sobrang tagal na panahon kakahintay at kakaasa. Kasalanan ko dahil ang tanga ko. Kaya ngayon, ayoko ng magpakatanga. I do like you and I don't want to regret not letting you enter in my life. Sir, you're already a part of it. Hindi ka na makakatakas."
He hugged me really tight, "Hindi naman talaga ako tatakas."
Marami na palang nagsasayaw. Pagkatapos ng mababagal na kanta, puro party songs naman. Pinaghandaan talaga ng mga officers 'to. Bago daw matapos yung araw, may apat silang hinandang games para sa amin. Kung sino yung limang matatalo, maghuhugas ng plato kinabukasan at magiging alila ng mga members.
Bumalik kami sa hotel dahil sa loob daw kami maglalaro. Piniggy back ulit ni Dale dahil medyo malayo yung hotel. Maswerte daw ako dahil hindi daw kailangan tumayo. Maswerte ba 'yun?! Ang sakit ng ulo! Limang drinking games pala ang pinrepare nila. Wag daw kaming mag-alala dahil kasama ang mga officers. Walang ligtas!
Baka nga hindi pa tapos yung pangapat na pangatlo o pangapat na game, lasing na kaming lahat.
Tiningnan ako ni Dale, "Are you sure you can do it? San Mig nga lang, lasing ka na."
Tiningnan ko siya nang masama, "Madaming bottles naman kasi 'yun no!"
"What I mean is, they prepared three Tequila Rose, three Bacardis, two Jack Daniels, and five black labels," Tinuro turo niya yung mga alak na nasa gitna. Nakapaikot kami. Ginilid nilang lahat yung furnitures para magkasaya kami since 42 kami.
Nakaupo kami ngayon sa floor. May anim na hindi maglalaro dahil yung isa, kakaopera lang. Yung dalawa naman, allergic sa alcohol. Yung tatlo, officers na gumawa ng game. Pag sumali daw sila, sure win sila kaya sila na lang magiging hosts.
"So?" I asked.
"Kung San Mig lang, lasing ka na. Paano pa sa mga yan? They're traitors," He said. Natatawa ako sa kanya dahil hindi talaga siya makapaniwala.
Tumawa ako, "And, so?"
He sighed, "You don't understand."
"Naiintindihan kong concerned ka. Thanks," I tapped his back. Napailing na lang siya. Tawang tawa ako sa kanya.