CHAPTER ELEVEN

23K 632 33
                                    

Totoo bang sinabi niyang girlfriend niya ako sa family niya? Totoo ba yun? At bakit naman? Compared naman kay Amanda, walang wala ako. Siya langit, ako dagat. Ganern! Boobs pa lang, walang wala na ako. Bakit ba kasi siya nakaswimsuit sa wallpaper ni Sir Dale? May pagkamanyak din talaga 'tong lalaking 'to no? Dapat na talaga akong mag-ingat. Grabeee, girlfriend?

"Ano pang hinihintay mo?" Tanong niya.

"E-E-Excuse me pero-"

"Just sit and eat, love," Sabi niya.

Pumikit at huminga ako ng malalim, "Huh?"

Tumayo siya, hinawakan shoulders ko, at inalalayan ako hanggang makaupo sa kainan. Katabi nga pala niya ako. Kamukhang kamukha niya talaga yung dalawa niyang kapatid. Triplets kaya sila? Teka nga, bakit ba yun yung iniisip ko? 

"Anong girlfriend?" Bulong ko pero hindi niya ako pinansin. 

Kanina lang, gutom na gutom ako, pero ngayon, nasaan na ang appetite ko?! 

"Sorry, but I'm not hungry," Sabi ko. Yes, english! 

Tatayo na sana ako pero tumigil siya kumain at tumingin sa akin. Napatigil tuloy ako sa pagtayo at napatingin na rin sa kanya, "Where do you think you're going?" Tanong niya sa akin.

 Mia, ano ba 'tong pinasok mo? Huhuhu.

"S-Sa k-kwarto?" Tiningnan ko yung parents niya pero parang di na sila nagulat. Sinabi kaya niya yung nangyari? O baka naman sinabi niyang may nangyari sa amin? Huhuhu. Ayoko na talaga.

Huminga siya ng malalim at hinatak ako. Tinawag siya ng parents niya pero hindi niya pinansin. Ang weird weird naman.

"Where are we going ba?" Tanong ko. Bakit bigla akong naging conyo?!

Hinihila pa din niya ako. Hinawi niya yung curtains at binuksan yung sliding door tapos dumiretso kami sa garden na may swimming pool. Ang ganda, yellow lights pa. May fountain pa nga. Eh di sila na talaga rich! Sa bahay namin, may garden naman at maganda rin pero kung icocompare ko bahay nila sa bahay namin, matutulog na lang ako.

"Pwede na ba ako mag salita? Maririnig ba ako sa loob?" Tanong ko pero mahinang mahina lang.

Sabi niya, "No one's gonna hear you here except me."

"Okay," Bulong ko at huminga ng malalim.

"1... 2... 3...

...GRABE KA TALAGA!!! WALA PA NGANG 10 HOURS TAYONG MAGKAKILALA! NI HINDI MO NGA ALAM PANGALAN KO! GIRLFRIEND TALAGA?! SA MGA DRAMA DRAMA KO LANG NAPAPANOOD YANG FAKE GIRLFRIEND FAKE GIRLFRIEND NA YAN. ANO FEELING MO, IKAW KNIGHT IN SHINING ARMOR KO NA MAGIGING WAY PARA MAG MOVE ON SA GAGONG "CLOSE FRIEND" KO NA PAGKATAPOS KONG MAG CONFESS, HINALIKAN AKO NG ILANG BESES TAPOS PAG DATING KO SA BAHAY, SASABIHIN NIYANG SILA NA NG BEST FRIEND NIYA?!"

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon