It's December. Ilang buwan na rin ang lumipas. Ilang weeks na lang, bakasyon na naman. Wala naman masyadong nangyari. Lagi pa rin kaming magkasama ni Jessica, pero hindi na tulad ng dati since may boylet na siya. Mas nakakasama ko pa nga si Stephen kahit bestfriend niya si Gerard.
Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Gerard. Ilang beses niya akong tinry kausapin, pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Ni hindi ko nga siya tinitingnan sa mata. Kahit nandiyan siya, parang hindi ko siya nakikita. Hindi naman ako nagtatanim ng galit, pero this time, hindi ko mapigilan.
Muntik na nga ako mamatay dahil sa kanya, sila pa ni Dyan ang may karapatan magalit. Kaya nga noong nagbreak sila, wala na talaga akong pake. He just doesn't exist in my world anymore. Tuwing nagsasalita siya, wala akong naririnig. I felt numb.
"I was there for you everytime you were missing your brother, I was always there when you needed someone..." Sabi niya sa akin noong isang beses.
Gusto ko sanang sabihin sa kanyang lagi akong nasa tabi niya tuwing nagdadrama siya about Dyan kahit alam niyang gusto ko siya, pero never ako nagreklamo. Kaso hindi ko na sinabi. Kunwari, wala akong narinig. I just left him.
What does he want from me anyway? Our friendship's over a long time ago.
Calling...
1
"Yes, Sir Dale?" I asked.
Kung tatanungin niyo kung ano ang status namin, hindi ko rin alam ang sagot. Hindi kami nagkikita o naguusap masyado, pero pag nagkita kami, matagal o kaya naman sunud-sunod na araw. Konting terms na lang, gagraduate na siya kaya sobrang busy niya.
Busy rin naman ako sa acads at social life ko. Sumali kasi ako ng Outdoor Club. After ng Ilocos trip, gusto kong mag travel pa. Hindi pumayag sila Mommy noong una kasi maglalakwacha lang daw ako, pero wala rin silang nagawa. Sabi ko, gusto kong maging independent.
"When's your team building?" He asked.
May team building sa outdoor club on Saturday in Baler para sa mga gustong maging officer. Sinabi ko sa kanya kasi lahat naman ata, sinasabi ko sa kanya. Sinagot ko yung tanong niya, pero nagtanong na naman siya. Anong oras daw, saan kami sasakay, sasama daw ba si Stephen, at kung anu-ano pa. Tinanong ko sa kanya kung bakit ang dami niyang tanong, pero sumagot na lang daw ako. Noong sinabi kong hindi sasama si Stephen...
He sighed, "I don't know which is better. I'm pretty sure you'll drink there."
I laughed, "I'll be fine, Sir Dale. Wag kang masyadong mag-alala."
"I worry about them, Amijia. You're troublesome. Paano na lang mga kasama mo?"
Oo nga, no? Troublesome nga ako. Nagcocause ako ng traffic pag tumatawid, kulang ako ng presence of mind dahil tulala ako palagi, nagwawala ako pag nalasing, lagi akong naaaksidente, at lagi kong pinagaalala mga tao sa paligid ko.
"I know I'm troublesome, but do you really have to point it out?"
"Yes."
Ang weird nito! After niya 'yun sabihin, bye na daw dahil may ginagawa daw siya tapos binaba na yung phone. Seriously? Tumawag siya kahit busy siya para magtanong about outdoor club at para sabihing troublesome ako? Kainis!
"Mia, obvious namang may gusto sa'yo si Dale, pero bakit parang walang progress sa inyo?" Tanong ni Jess. "Ang weird lang. Sweet siya, lagi ka niyang pinoprotektahan, pero hindi ka pa ba niya nililigawan?"
Dale and I hug each other like friends, but we don't kiss or anything. We don't hold hands except when crossing the road, but he always protects me. I never asked him to protect me, but he always does. Tuwing magkausap kami, sobrang comfortable ko kahit intimidating siya.