CHAPTER TWENTY THREE

21.8K 604 66
                                    

Pagkakita sa amin ni Dyan, hinila niya agad si Gerard at pumunta sa kabilang side. Siniko naman ako ni Jess para magising ako sa katotohanan. Pumunta muna kami sa atom gallery. May mga questions kasi kami na kailangan sagutin para sa Biology class namin. Sobrang cool! Every technology, nakakaexcite gamitin. Buti na lang may photographer kami. Ehem, Stephen. Speaking of, tawa siya ng tawa sa aming dalawa kasi para daw kaming mga bata.

Habang naglilibot kami sa atom gallery, nakita ko yung Static Ball. OMG! Napanood ko 'to sa Mr. Bean. Ito yung tumataas yung buhok pag humahawak sa silver ball.

"Ako muna!" Sabi ko at umakyat agad, pero noong papaandarin na ni Kuya na nagooperate, sobrang nagulat ako sa nakita ko. Bakit nandito sila Dale and friends? Nagtatawanan sila. Natigilan din naman sila noong nakita nila kami. Sakto namang pinaandar ni Kuya yung silver ball. Oh my gooooosh!

"Oh, you're here!" Sabi ni Dale tapos lumapit sila sa amin. Nagtawanan naman yung iba mga kaibigan niya na sila Harvey, Wayne, Jaxon, and Reggie. Naaalala ko sila dahil nakasayaw ko sila. Syempre kilala ko naman talaga si Harvey, pero yung tatlo, hindi ko naman close. Haha!

"Kaya pala nag-aya dito," Bulong ni Harvey, pero rinig na rinig ko siya. 

"I knew it," Sabi ni Jaxon. 

Tumingin sa kanila si Dale at tiningnan sila ng masama kaya nagtawanan sila. Lalo silang nagtawanan noong tumaas na yung buhok. Natawa rin naman ako, "Shet! Ang cool nitooo. Picture-an mo ko, Stephen!" Utos ko kasi may dala siyang SLR.

Napansin kong tumahimik lahat at nagtinginan sila kay Dale. Anong problema nila? Niloloko nila si Dale dahil tinawag ko si Stephen? Nakakaloka! Si Dale naman, nakatingin lang sa akin.

"Ano tinitingin tingin mo?" Tanong ko.

"Say cheese," Sabi niya sabay taas ng phone niya at picture sa akin. Nakataas pa kilay ko. Hindi ako reeeaaady! Nagtawanan na naman lahat lalo na si Jessica. Tawang tawa siya.

"Wow talaga," Sabi ko. "Isa pa!"  

Sabay tinaas nila Dale at Stephen camera nila kaya hindi ko alam kung saan ako titingin.

"Ay, wag na pala," Sabi ko pero pinicture-an pa rin nila akong dalawa. Ang kulit! Pagkatapos ko, si Jessica naman. Hanggang ngayon, tinitingnan niya ako ng nanloloko. Kainis. Lolokohin na naman ako nito mamaya.

Lumapit ako kay Stephen at nakipag-apir tapos bigla siyang napasigaw. 

"Mia!" 

Tawa ako ng tawa, "Bakit? Na-kuryente ka?"

He's still shaking his hand, "Masakit." Tumatawa din siya. Tinanong ko kasi kay Kuya kung may effects ba yung ball, sabi niya, nakakakuryente daw after. Lalapitan ko na sana si Dale, pero lumayo siya sa akin.

"What?" Tanong ko habang tumatawa.

"Sige. Pag hinawakan mo ako, hahalikan kita," Seryosong sinabi niya kaya napatigil ako at nanahimik. Nakakainis! Tumawa na naman tuloy yung mga kaibigan niya.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon