I was amazed. Bakit? Konti lang ang lalaking aamin na na-basted sila. Pero yung lalaking 'to, pagkaamin niya, nagawa pa niyang ngumiti. Ibang klase.
"So gusto mo palang binabasted ka?" Tanong ko.
"Anong klaseng logic yan? Sino bang tao ang gustong ma-basted?" Sabi niya sa akin na parang ang bobo bobo ko. Sorry naman ha!
"Eh bakit parang tuwang tuwa ka pa?"
"Sino ba may sabing tuwang tuwa ako? Ikaw lang naman, diba?"
"Oo nga... Fine! Bakit ka na-basted? Mayaman ka naman, may itsura ka din..."
"Hindi lang ako "may itsura"..." Ang yabang pero may point naman kasi siya.
"Okay, gwapo ka naman. Bakit ka na-basted?"
He shrugged his shoulders, "Let's not talk about it. Gabi na at mukhang uulan pa. Gusto mo pumasok muna sa bahay?" Tanong niya.
Tinakpan ko katawan ko, "AYOKO NGA!"
"Ano feeling mo, rerape-in kita? Mandiri ka nga," Sabi niya. Fluent naman pala siya mag tagalog pero tunog mayaman pa din, bakit ganon?
Ilang sandali lang, may nararamdaman akong tubig sa braso ko. Pag tingin ko sa taas, umaambon na pala. Noong kumulog, napakapit ako ng mahigpit sa damit ni Stranger.
"May sinabi ba si Kuya Kim na babagyo ngayon?" Tanong ko habang nakalagay na yung kamay ko sa ulo ko.
"Who's Kuya Kim?"
"RK ka nga talaga. Hindi mo kilala si Kuya Kim? He's a popular newscaster."
"Ahhh."
Bwisit. Binabara pa din niya ako kahit umuulan na.
"Ano, papasok na ako sa loob o iiwan na kita dito?" Palakas na ng palakas yung ulan. Basa na nga ulo niya. Siya na ang hot! Feeling ko, mukha na akong basang sisiw dito eh.
"Grabe, ang bastos mo naman kung iiwan mo ako dito. Sige na, iwan mo na ako dito," Sabi ko. Ayoko nga pumasok. "Minsan lang ba pumasok ang taxi dito?" Tanong ko. Wala ba talagang may bubong sa lugar na 'to? Open lahat? Ang dami kong tanong.
Tumango siya, "Konti lang dumadaan na taxi dito dahil lahat naman ata ng bahay dito, may sasakyan."
"Sayang naman. Sige, maglalakad na lang ako palabas ng subdivision niyo. Bye," Sabi ko. Hindi naman problema ang bayad ng taxi dahil pwede ako manghingi sa bahay pambayad.
Nag-lakad na ako pero parang paikot ikot lang ako. Wala bang "exit" sign dito? Basang basa na talaga ako. Woo. Party party. Ang sarap umiyak! Nabasted na nga ako, ang pangit pangit ko pa ngayon dahil basang basa ako sa ulan. Ang pangit din ng feeling ko. Ang pangit sa feeling ng naliligaw. Ayoko na. Iiyak na lang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/11541436-288-k675251.jpg)