Ang sakit sakit ng ulo ko, pero naalala ko pa yung nangyari kagabi! Ang weird ko. Bakit ko naaalala? Ayoko ng maalala! Hindi ko tuloy alam kung paano siya kakausapin. I shook at myself. In fairness naman, gumaan pakiramdam ko. Parang nailabas ko lahat ng sakit, pero shet naman, ang bigat bigat ng ulo kooo. Gusto ko na lang matulog buong araw.
Tumingin ako sa kabilang kama at wala na siya. Anong oras na ba? Wall clock naman ang nandito kaya ang ginawa ko, binilang ko yung guhit hanggang sa makaabot ako sa 12. Teka, magkalapit yung 12 at 1. Alin ba sa kanila yung tama? Fudge naman, nevermind.
Hihiga na sana ulit ako nang bumukas ang pinto, "Senyoritaaa! Your breakfast, lunch, and merienda is ready!" Sigaw ni Jess habang may dalang tray na punung puno ng pagkain. Kasama niya si Stephen na nakangiti. Parehas silang nakangiti.
"Bakit kayo ganyan tumingin?" I glared at them.
"Anong nangyari kagabi?" Jess teased.
"Wala akong maalala," Sabi ko kahit naaalala ko naman.
"Hoy, Mia! Kilala kita pag nagsisinungaling. Tingnan mo yung mga mata mo. Ano yan?" Tinuro niya yung mga mata ko. Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. She knows me too well!
"Kasi... nag-drama lang ako sa kanya tapos naalala ko, kumanta ako. Sinukuhan ko din siya tapos ano-"
"You did... what?!"
"Nasukahan ko siya tapos napaso ako at nabasag ko yung cup nila..." I lowered my head. Nakakahiya talaga ako! Naaalala ko na naman yung pagka-fail ko kagabi. Hindi ko kinakaya!
"Nice," Yan na lang nasabi ni Jess. "Sige na, kumain ka na!"
Habang kumakain ako dahil gutom na gutom na ako, sinesermonan naman ako ni Jess. 'Wag daw akong iinom kung nahihilo na daw ako.
"Paano pag wala kami? Paano pag hindi kami yung kasama mo, baka kung ano mangyari sa'yo! Isa pa-"
Kahit puno pa yung bibig ko, nag-salita na ako, "Hoy! Iniwan niyo nga kami kagabi!"
"Alam ko naman na kaya kang alagaan ni Dale, okay? May tiwala ako sa kanya."
"Kahit na! Ikaw yung bestfriend, dapat ikaw yung nag-aalaga. Hindi siya! Hindi ko naman siya boyfriend. Nakakahiya tuloy sa kanya! Teka, anong oras na ba?"
"5 minutes na lang 2 PM na po kaya bilisan mo na diyan. Hindi tayo nakalabas ng dahil sa'yo! Ayaw ka kasi i-pagising ni Dale."
"Huh? Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi lasing na lasing ka at maga ka na daw nakatulog. Kanina kaya, hindi siya nagsasalita. Akala namin, galit siya kaya natahimik din kami noong umupo siya sa tabi namin. Pero noong dapat gigisingin ka na namin, he stopped us. Maya maya na daw tapos he asked us to bring you these..."
"Siya yung nagpaluto at nagpadala ng pagkain sa akin?"
