Isang beses, tinanong ko si Dale kung bakit hindi niya kayang isumbong si Raf sa mga pulis. Kaya naman daw niya, pero ayaw niya lang. It didn't seem like he cared about his father, but he does. Sabi niya, masisira ang pangalan ng daddy niya. Politics is his father's happiness and he doesn't want to take it away from him.
Ang dami kong tanong sa kanya. Tuwing lalabas kaming dalawa, puro lang kami kalokohan, pero lagi rin akong may bagong nalalaman tungkol sa kanya. Minsan pag nakakatulog siya sa sasakyan nila o sa duyan niya sa garden ng apartment niya, he would have nightmares about his step brother. Minsan, kasama kapatid ko. Minsan pa nga daw, kasama ako.
I'd just hug him and assure him I wouldn't leave.
Hinahatid sundo nga pala niya ako pag galing o papuntang school. Magkatabi lang naman daw apartment niya at bahay namin. Sakto rin na nag match yung schedule naming dalawa. Monday at Wednesday lang pasok niya at mas nauuna rin yung dismissal niya sakin kaya pag pauwi na siya, dadaanan niya ako sa school.
Pag busy naman siya sa ibang bagay, ipapahatid niya ako sa driver niya. Paranoid na siya dahil anytime daw, pwede akong balikan ni Raf.
"You really look like a little boy sometimes," I smiled. "Buong buhay mo, you've been protecting someone else, but you can't even protect yourself."
"I don't just protect someone else," He smiled. "I protect those whom I love and I only love few people." He stared at me and smiled slightly.
I tried to hide my smile, but when I looked at him, I burst out laughing, "Oo na, oo na, pero may tanong ulit ako."
Dale sighed, acting tired. Niloko niya ako at tinanong kung kailan ako mauubusan ng tanong kaya sabi ko, never. Hangga't magkasama kami, hindi ako mauubusan ng tanong. Ginulo niya lang ang buhok ko, piniga ilong ko, at piniga cheeks ko. Lagi siyang gigil!
Minsan nga, feeling ko, stuffed toy niya ako. Sinasabihan pa niya akong fluffy madalas tapos yayakapin. May isang gabi, pinalabas niya ako sa bahay namin para bigyan ako ng unicorn stuffed toy na pinangalanan naming Fluffy at princess crown. Nakita lang daw niyang nakadisplay sa store habang sinasamahan niya yung mommy niya. Binili niya daw kasi naalala niya ako.
Tawang tawa ako sa princess crown kasi saan ko naman 'yun gagamitin?
"Because you're a princess," Sabi niya habang sinusuot sa akin.
I chuckled, "And you are?"
Una, sabi niya sa akin, siya daw yung bodyguard na ginayuma ng prinsesa, pero pinalitan naman niya agad, "I'm the princess' bodyguard who fell head over heels in love with her charms," Kinuha niya yung kamay ko at hinalikan. "Your highness."
Ang labo ko dahil siya pa rin iniisip ko eh siya na nga ang kasama ko. Tinanong ko siya kung ano ang pinakakinakatakutan niya o kaya mga bagay na takot siya. I really want to know him more although compared sa iba, lamang na lamang na ako.
Kahit honest at blunt siyang tao, kay Harvey lang niya sinasabi deepest secrets niya, pero ngayon, isa na ako sa mga taong pinagkakatiwalaan niya. Sinasabi ko kay ate, though. Alam naman ni Dale na sinasabi ko kay ate lahat at pumayag siya dahil mas nauna pa nga daw siyang pinaniwalaan ng ate ko kaysa sa akin. Pinapaguilty niya ako lagi!
"What scares you the most?" I asked seriously.
He cupped my cheek. Yung expression niya, napalitan ng takot, "Losing you. My fear of losing you is higher than my fear of him. Habang tumatagal, lalong lumalala yung takot ko. Everytime I'm with you, nawawala na lahat ng iba kong takot kodahil mas takot akong mawala ka."
"S-So you're not scared of your brother anymore?"
"I'm scared that he might hurt you," He smiled, but it didn't reach his eyes. "I'm not scared of dying anymore. Ilang beses na akong muntik mamatay, ilang beses na rin akong nasaktan. I didn't even think I deserve to live. If I live, mas marami lang masasaktan at madadamay. Pero dahil sa'yo, I've slowly recovered and my views started to change. I want to live so I can protect you."