Pasukan na naman! Mag-kasama kami ngayon ni Jess at ang bruha, tulala! Ano kayang nangyari sa kanila ni Harvey? Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang may kalandian na siya. Akala ko talaga may chance sila ni Stephen. Buti pa si Dale, napansin niyang may something kila Harvey at Jess. Ano kaya sasabihin ng parents niya pag nalaman nila?
Speaking of Stephen, magkasama sila ng bestfriend niya. Classmates ko silang dalawa sa ibang courses, pero ayos lang naman. Syempre, ayos lang kahit nga classmates kami ni Stephen sa lahat ng courses. We're close friends, after all. Pero yung isa, hindi kami nag-uusap. Okay lang na classmates kami, pero usap? Naah, next time na.
"Mag-uusap kayo ni Nichole mamaya, diba?" Jess asked. "Ano kayang sasabihin nun? Basta ha, wag kang matatakot. Alien ka, tao lang siya."
Binatukan ko siya, "Grabe ka!"
Pagkatapos ng klase (hindi naman talaga nag class dahil first day at puro orientation lang), nagkita kami ni Nichole sa nearest SM in our school. Graduate na ata si Nichole. Should I call him ate? OMG. Hindi ko maiwasan hindi kabahan. Pagdating ko sa Cafe De Seoul, nandoon na siya. She was drinking her frappe.
"Mag order ka muna," She said. Ba't biglang bumait? :O
"No na. Uuwi na rin ako after natin mag-usap eh."
She just nodded and asked kung hindi daw ba ako susunduin ni Dale. I told her no dahil pasukan na rin nila Dale. Unlike his schedule last term, hassle yung schedule niya ngayon. Until 7:30 PM ata class niya every monday, wednesday, and friday tapos every tuesday and thursday naman, until 9:30 PM siya. Therefore, hindi na rin niya ako mahahatid sundo kung kailan niya gusto. Malapit na akong mag third year college at kailangan ko na rin maging independent.
Oo nga pala, memorized ko din yung schedule ko no. Baka isipin niyo yung kay Dale lang yung alam ko. Wala akong pasok every wednesday. Pag monday, isa lang class ko. Pag tuesday, thursday, and friday naman, until 5:45 PM ako. Medyo chill, pero hindi din.
"Mia, I'm here to apologize," She said. Nagulat ako, seryoso.
"Teka, why are you apologizing?"
"For hating you," She paused. "Amanda's my bestfriend, alright? She's weak, pero hindi siya masama. Ako ang masama sa amin, Mia. Pero narealize ko, Yohan Dale's my friend, too. Kung ipilit ko lang si Amanda sa kanya, masasaktan lang silang dalawa. Alam mo kung bakit hindi kita gusto for him?"
"B-Bakit?" I stuttered.
She smirked, "Kasi akala ko, isa ka na naman sa mga babae na hinahabol siya because of money and fame. Yohan isn't perfect, I'm telling you. Mukha lang siyang perfect, pero hindi. He has a lot of insecurities and fears. Feeling ko naman, matatanggap mo siya."
"Huh?" I asked. Anong kailangan kong tanggapin?
"Basta. I'm just here to tell you not to be scared of me anymore. Don't think of Amanda anymore. If you like Yohan, go for it. Ako na ang bahala sa kanya. If you don't, it's okay. Pero mukha namang gusto mo siya eh. Wag mo lang siyang sasaktan dahil sa oras na saktan mo siya, hindi mo na siya mababalik. I wouldn't let you."