Sobrang bangag ko at wala pa akong tulog. Kumain namana ko, pero nahihilo pa din ako. Pagkatapos ng exam ko sa Math, tinanong agad ako ni Gerard kung kamusta yung exam ko. Wala akong nasagot sa tanong niya at halos wala rin akong nasagot sa exam ko.
"Okay ka lang, girl?" Tanong ni Jess. Nasa labas lang ako ng room namin. Umupo ako sa floor at sumandal sa wall. Si Jess naman, nakahawak sa balikat ko. She was half standing.
I stared at her blankly and shook my head, "Confirmed."
"Confirmed na ano?"
Suddenly, everything went black. Pag gising ko, nakita ko sila Jess, Stephen, at Gerard. I looked around and sat on the bed when I realized where I was. Binatukan ako ni Jess at sinabihan ng gaga. Umuwi na daw ako at matulog. May sakit daw ako.
"Kaso may exam pa ako. Hindi kita mahahatid! Stephen, may exam ka pa ba?"
Umiling si Stephen, "Wala naman, pero may event yung org namin ngayon."
Jess let out a sigh, "At kailan ka pa nag org?! Kainis ka. Tatawagan ko na nga lang si Dale-" She was about to get her phone when I held both of her hands.
"Wag!" I shouted.
Natulala si Jess sa akin, "At bakit naman?!"
I sighed, "He didn't get to attend his classes and swimming practice because of me. Ni hindi nga siya nakatulog dahil tinuruan niya ako sa Math kagabi, pero wala rin naman akong nasagot. Nagguilty na ako, okay? Tama na..."
"At bakit concerned na concerned ka sa kanya ngayon? He's been doing these things for you tapos ngayon ka lang naguilty ng ganyan? Teka, magkasama kayo kagabi? Nevermind. Next time na lang kitang iintrigahin. Sino ngayon maghahatid sa'yo?!"
"Ako na lang maghahatid sa kanya," Gerard suddenly volunteered.
"Kaya ko naman umuwi mag-isa," Sabi ko, pero hindi siya pumayag. Hindi rin nag react sila Stephen at Jess. Mas okay daw na ihatid ako ni Gerard kaysa maaksidente ako. Wala akong nagawa dahil nanghihina na rin ako.
Dumating na kami sa bahay. Gerard opened the car for me. Inalalayan din niya akong bumaba and he even opened the gate for me by getting my key inside my bag. I told him I could handle myself and thanked him.
"Pag sinaktan ka niya, nandito lang ako," He said before he left. Pumasok na ako sa bahay at ako pa lang ang tao. Natulog na ako agad.
Saturday came. Sinundo kami ni Harvey sa school namin papuntang sports complex kung saan yung competition ni Dale. Third wheel ako ngayon nila Jess at Harvey, pero hindi na ako nagreklamo. Buti nga, sinamahan nila ako.
Ngayon lang kami magkikita ni Dale after ko siyang sagutin. Ni wala pa ngang nakakaalam na kami na. Nagtatawagan kami, though. Nagpapamiss lang daw siya.
I texted him, "We're here. Good luck!"
He texted back, "I know. Look down."
He was there, sitting on the bench. Nagwawarm up mga kasamahan niya, pero siya nagtetext lang. He smiled and waved his hand.
I texted him again, "Mag warm up ka na rin katulad nila. Lagi ka na lang chill."
He smirked while looking at his phone then he looked at me. Nilagay niya yung phone niya sa tenga niya. Sakto naman nag vibrate phone ko. Hindi naman ako napapansin ng dalawang katabi ko dahil busy sila maglambingan.
"What?" Sagot ko. Tiningnan agad ako nila Jess at tinanong kung sino kausap ko. Noong nakita nila kung kanino ako nakatingin, sabay nila akong niloko. Para daw akong girlfriend.
"Hey," He was still smiling. "Instead of nagging why don't you just cheer me up? I'm tired, so can't you at least give me an energizer?"
"Really? Bakit ka pagod?" I sounded worried. "At anong energizer? Ah, may dala akong energy drink. Gusto mo ba?"