CHAPTER FOUR
"Hindi mo naman gets e!""Eh anong magagawa ko? Sa low gets yung maganda mong kaibigan e?"
Nag sigh lang siya tapos tumingin sa paper niya habang nakakunot yung noo, "Bahala ka na nga."
Kasama ko si Gerard ngayon sa study hall. Si Jess kasi umuwi na. Si Stephen naman, ayaw daw makaistorbo and nasasaktan daw siya. Lakas ng trip, diba?! Tinuturuan nga pala ako ni Gerard sa math. Nakakainis kasi. Hindi ko magets gets! Kasalanan ko bang sobrang kinamumuhian ako ng math? Ugh. Hindi niya ako maiintindihan kasi hindi naman siya ako. Porket magaling siya sa math, ughhh. BV!
"Tinatamad na ko. Ayoko ng mabuhay," Dumukdok lang ako sa table.
"Mag-aral ka nga. Ayaw kitang bumagsak! Pag bumagsak ka, wala na kong kasama mag take ng prerequisite nito next term." Ayaw kasi niya ugali ng blockmates namin. Choosy kasi siya masyado sa friends eh.
"Ehhh, hindi ko nga mageeeets. Ugh. Ang hirap naman kasi e."
"Magegets mo din yan. Wag ka lang tamarin. Sige ganito na lang, ililibre kita ng icecream sa haagen dazs kapag nakapasa ka sa long test natin dito. Okay ba yun?"
"Yup. Tapos ililibre naman kita ng candy pag nakapasa ka," Sabi ko. Bakit ba? Candy lang afford ko no. Akala naman niya!
"Wag na lang. KURIPOT!"
"Hay nako, feeling ko wala na kong pag-asa. Grabe, kailangan kong maka 90 para makapasa sa course na 'to? Grabe lang ha."
"Sige iwan mo ko. Ganyan ka naman e."
"Suuuus, nagemote? Hahahaha! Nandiyan naman mga chicks mo e."
"Ewan ko sayo, wala akong manok! Ba't ba kasi binagsak mo yung two long tests mo? Kailangan mo tuloy ng 90 sa next long test natin. Wala ka ng pag-asa pero magaral ka, ha? Okay? Malay mo maka-70 ka dito."
"Salamat ha, grabe! Pinagaan mo loob ko ng sobra. Tsssh." I said sarcastically.
"Tsssh. Pangit..."
"Sabi mo wala kang kaibigan na pangit?"
"...ng kuko mo."
Natawa lang ako, "Nye?"
"Sabi na nga ba hindi tayo makakapag-aral e. Ang daldal mo kasi."
Dinilaan ko lang siya. Hahahaha! Sorry ha, ako pa yata ang BI sa aming dalawa. Jk. Hindi ah, lagi nga siyang nagkacut e. Ewan ko kung paano siya pumapasa. Palibhasa, favorite ng mga profs. Ughh.
"Oo na oo na, tara na nga!"
6:30 na and yeah, magtetrain kami ngayon kasi di niya dinala kotse niya. Coding kasi. Buti na lang magkasunod yung train station na binababaan namin. Pagkadating namin sa station, medyo madami ng tao kaya pumunta muna ako sa dulo and umupo sa floor tapos nakasandal sa may wall.
"Tumayo ka nga diyan."
"Inaantok na koooo."
"Tumayo ka na. Sisipain kita?" At tumayo na nga ako. Leche naman oh!
Pumunta kami sa pinakaunahan na line kasi padami na talaga ng padami yung mga tao. Magseseven na pero di pa kami nakakasakay."Pupunta ka ba sa party?" Tanong niya bigla. Anong party?
"Saan? Kailan? Ano meron?"
![](https://img.wattpad.com/cover/11541436-288-k675251.jpg)