CHAPTER SIX

26.6K 596 20
                                    

It's Saturday today. Wala akong gana lumabas ng kwarto tapos yung panahon, nakikisabay pa sa pagka-emo ko. Sobrang gloomy. Gusto ko man umiyak para mailabas yung nafifeel ko pero hindi ko kaya. Kaya nga nagsusulat na lang ako ngayon. HIndi lang naman kasi sa pag-iyak nalalabas yung sama ng loob. Writing is also an effective way to express your feelings and emotions.

Hayy. Nakakapagod pala, no? Nakakapagod mag hintay sa taong hindi mo alam kung kaya ibalik sa'yo yung pagmamahal mo. Para kang naghihintay ng jeep sa train station. Nakakapagod umasa kahit wala ka naman talagang inaasahan dahil may iba siyang mahal. 

*Phone rings*

Gerard's calling. Sasagutin ko ba? Naaah.

"Dear G, 

Ayoko na. Seeing you cry because of another girl made me realize how much you love her. Don't worry, I'll help you steal her. I'll help you get her. After this, ayoko na talaga. I'll stay away from you. Mahal kita, last na 'to. Promise."

*Phone rings"

He's calling again. Pag sila na ni Dyan, wala na siyang time para kausapin ako. Pag sila na ni Dyan, hindi na niya ako kailangan. Kaya pag naging sila ni Dyan, aalis na ko. Lalayo na ako.

Pero pag sila na ni Dyan, dapat ba akong matuwa? Ughh.

I accepted the call.

"Bakit ang tagal mo sumagot?" Tanong niya, too bossy.

"Sorry. Bakit ka tumawag?" 

"May sakit ka ba? Bakit parang nanghihina ka? Okay ka lang?" Tanong niya.

See? Paano naman akong hindi aasa kung ganyan siya ka-concerned?

"Okay lang ako. Bakit ka nga tumawag?" Tanong ko habang nakadapa sa kama at nagsusulat. Nakaipit yung phone ko sa ear at shoulder ko.

"Nag-aaya si Dyan lumabas mamaya. Ngayon lang niya nalaman na dumating na si Stephen. You can't miss it, welcome celebration yun ng future boyfriend mo."

Ayoko sumama. Ayoko muna siya makita. Pag nakita ko siya, feeling ko maalala ko lang yung nangyari kagabi. Babalik lang yung sakit na habang umiiyak siya, pinipilit ko yung sarili ko na i-comfort siya and at the same time, i-comfort sarili ko. 

"May pupuntahan ako ng 1," Sabi ko. Ililibre ko pa kasi si ate ng steak.

"7 PM pa yung party. College student ka na, Mia. Hindi ka na elementary. Nasa legal age ka na din at nandoon naman ako, walang mangyayari sa'yong masama."

"Hindi ako papayagan," Totoo naman. Over-protective family ko sa akin kaya pag lumabas ako ng gabi, napaparanoid silang lahat. Kaya nga gusto din nila si Gerard kasi pag nakacar siya, hinahatid niya ako. Pag wala naman siyang car, sinasabayan niya ako sa LRT. At kagabi, hinatid niya ako sa bahay kahit wala siyang kotse.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon