Gising na kaming lahat noong dumating sila Dyan, Nichole, Amanda, at Gerard. Kinakabahan ako! First of all, takot ako kay Nichole. Pangalawa, ayoko na ng away kay Dyan. Pangatlo, baka gerahin ako ni Amanda dahil for sure, alam na niyang nagkikita kami ni Dale kahit di pa man tapos usapan nila. Pang-apat, si Gerard. Alam niyo na 'yon. Hindi ko na kailangan i-elaborate. Basta ang alam ko, tutuparin ko yung sinabi ko kagabi.
Hindi pa kasi kami nagkikita ni Gerard. Tinext lang kami ni Stephen na nandiyan na daw sila.
"Kinakabahan ako," Sabi ko kay Jess, pero binatukan niya ako. "Para saan 'yun?"
"Umayos ka, Mia. Sinasabi ko sa'yo. Paglabas natin sa room na 'to, umayos ka. Isipin mo na lang na pag natakot ka, para mo na rin sinabing inferior ka sa kanila. Tandaan mo yung sinabi ni Eleanor Roosevelt."
"No one can make me feel inferior without my consent. Tama tama," Sabi ko.
"At pag nakita mo SIYA, isipin mong masasaktan ka lang. Move on, Mia! Isa pa, isipin mo ring may masasaktan kang ibang tao. Nag promise ka rin kay Dale, diba? Sabi mo, magmomove on ka na. Tuparin mo yung promise mo."
Lumabas na si Jess at sumunod rin naman ako. Oo nga, bakit ako kinakabahan eh wala naman akong ginagawang masama?! Tao sila at tao rin ako, pantay pantay lang kami. I exhaled, smiled, and went out of our room. Bumaba kami at sa dining area, nakita agad namin sila. Mukhang pagod pa sila.
"Game?" Si Jess.
"Game na game!" Kumuha kami ng pagkain ni Jess at umupo na. Si Jess sa left ko at si Dale naman sa right ko. Sa right naman ni Dale ay si Amanda.
"I'm here for you, Yohan," Narinig ko si Amanda kahit mahina lang pagkakasabi niya. Ang lapit lang kasi nila sa akin no. Hindi ko sinasadyang mag eavesdrop.
"I told you to stop. We had a deal," He said.
"But you broke the deal, anyway. Hindi ka nakatiis! I had to sacrifice for you."
"I didn't ask you to sacrifice," Sabi niya kay Amanda tapos tumingin siya sa akin kaya I looked away at kumain ng kumain. Shet, nahuli ata niya akong nageeavesdrop sa kanila. Dahil doon, napatingin din sa akin si Amanda.
"Mia, how are you?" She tried to smile.
"I'm okay," Sabi ko.
Buti na lang, malayo sa upuan ko si Nichole or else, baka irap-irapan na naman niya ako. Hindi ko kinakaya talaga yung babaeng 'yun! I tried my best to avoid Gerard, though. Kung kakausapin man niya ako, wag papaapekto. I will move on and let go.
Sabi nga ni Sir Dale, I should always start with myself. These past few days naman, hindi ko na siya masyadong iniisip at noong nakita ko rin siya, wala rin masyadong epekto. Oh dammit, I'm so proud of myself! Sana lagi na lang ako nasa Ilocos para hindi ko siya masyadong naiisip.
Pagkatapos namin lahat kumain, nag-aya sila mag surfing kaya game naman kaming lahat. Nag rent kami ng rash guard, pero yung iba, may mga dala na talaga sila. Naka-board shorts din kami. Bawal daw mag bikini dahil for sure, maaalis yun.