Hindi naman ako pangit, pero bakit kung saan saan ka pa lumilingon. Kung kani kanino ka pa tumitingin.
Hindi ka naman bulag, pero bakit siya pa din ang gusto mo?
Obvious na nga ako, hindi mo pa makita. O baka naman manhid ka lang talaga?
Wala naman taong manhid eh. Saydang hindi mo lang siguro alam ang nais kong iparating.
Hindi naman ako tanga, nagpapakatanga lang para sa'yo.
Pero bakit hindi mo ako mapansin, KSP na nga ako eh. Pero sa'yo lang. Pag nandiyan ka kasi, hindi ko alam ang gagawin ko. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko kahit ang naiisip ko lang naman ay IKAW.
"Mahal kita." Bulong ko.
"ANO?!"
"Talo bingi!"
O baka naman nagbibingi bingihan ka lang talaga?