I suddenly remembered what he said about him having no birthday. Maybe the reason why he doesn't celebrate his birthday is because of what happened to my kuya. Like me, he's also blaming himself. But why does he blame himself?
Alam ko na kung nasaan siya. Kung wala siya sa cemetery, hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. Kahit nagiisa, nag taxi ako papuntang cemetery. Naiwan ko pa yung phone ko, fudge. Konti pa yung ilaw sa cemetery.
"Kuya, pwede po magpahintay? Magbabayad po ako kahit magkano," Sabi ko sa taxi driver. Mukhang naawa siya sa akin kaya pumayag siya.
Pumasok ako sa bahay ni kuya Angelo at binuksan yung ilaw. My heart stopped for a second. Si Dale, duguan. Pinuntahan ko siya at ginising, pero wala na siyang malay. I touched and felt his pulse. Napahinga ako nang malalim.
Tumakbo agad ako kay kuya taxi driver para manghingi ng tulong at tinulungan naman niya ako agad. Dinala namin si Dale sa pinakamalapit na hospital. Hinaram ko rin yung phone ni kuya taxi driver. Buti na lang, memorized ko number ni ate.
I wanted to cry, but I couldn't. Mas kailangan ako ni Dale, "Ate, nandiyan phone ko sa bahay. Alam mo naman password ko, diba? Patawag naman yung mommy ni Dale. Pasabi papunta kami sa hospital. May nangyaring masama sa kanya." Sinabi ko kay ate yung address. Buti na lang understanding si ate Milan.
Sa sobrang panic ko, 1000 yung naibayad ko kay kuya taxi driver. Muntik ko na nga ibigay wallet ko. Noong nasa hospital na kami at nakapasok na si Dale sa emergency room, nakahinga na ako ng maluwag. Grabe, ang bilis ng tibok ng puso ko.
Sabay sabay dumating parents ni Dale pati na rin yung mga kapatid niya. Kasama pa nga si ate na halatang nagaalala. Tinanong nila sa aking lahat kung anong nangyari, pero puro 'hindi ko alam' lang ang nasagot ko.
Nanginginig ako, nanghihina. These past few weeks, puro iyak na lang ang ginawa ko at ngayon, umiiyak na naman ako. Ate hugged me. Kinukulit pa rin ako ng mommy ni Dale kung anong nangyari kaya nasagot na siya ni ate.
"Dapat nga magpasalamat kayo dahil nakita siya ni Mia. Stop asking her questions! Look at her. Mukha bang masasagot niya lahat ng mga tanong niyo?"
I wiped my tears. Hinawakan ko yung braso ni ate at umiling. I looked at them, "Dale told me he doesn't have a birthday and then I realized it's my brother's death anniversary."
Lahat sila, halatang nagulat, "Mia..." Ate whispered.
"Ate, they should know. Hindi yung si Dale lang ang nahihirapan."
If Dale could jump a cliff for me, then I want to jump a cliff for him, as well. Kahit hindi same cliff, basta napagtanggol ko man lang siya.
"Alam niyo, diba?" I asked all of them. "Alam niyong hindi siya nagbibirthday dahil iniisip niya, wala siyang karapatan mag celebrate kasi yung kapatid niya, pinatay yung kapatid ko. Do you remember Angelo Stanley Hernandez? I'm Amijia Suzette Hernandez, his sister."
They were all shocked, but they should know the truth.