Hahahahaha nababaliw na ako. Hahahaha ang OA ko. Hahahahahaha kinikilig ako. Hahahahaha pagbigyan niyo na ako. Hahahahahaha! First time niya kasi akong hinatid na nakacommute. Hahatid niya lang ako pag may kotse siya. Huhuhuhu! Kanina pa tibok ng tibok ng mabilis na mabilis yung puso ko. Paano ba naman kasi, sa tinatagal tagal ng friendship namin, ngayon lang kami nag commute together except sa LRT!
"Bakit ngiting ngiti ka diyan?" Tanong niya habang naglalakad na kami papunta sa bahay namin. WOW, NAMIN?! Hahaha!
Nag poker face ako, "Wala lang. Masama?"
"Tss, idiot."
Hinampas ko siya ng malaki, "HOY, HINDI AKO IDIOT AH!"
"Eh di airhead."
"HINDI DIN AKO AIRHEAD. MATALINO KAYA AKO!"
"Sige, ipasa mo yung math natin. Pag naka-90 ka doon, genius ka na."
"Ay ang bobo ko pala."
Binatukan niya ko, "Ayos nga, Mia."
"Sorry pooooo!" Sabi ko, with chichay's tone and pose.
"Kadiri ka talaga," Umiling iling siya. Ang arte! Basketball lang naman kasi ang pinapanood niya. Kung hindi siya nanonood o naglalaro ng basketball, naglalaro naman siya ng dota 2. Kung hindi niyo pa alam, oo, may dota 2 na!
Pagdating namin sa gate ng bahay namin, "Kthanksbye!" Sinusian ko na yung gate at papasok na sana pero hinila niya yung buhok ko pero dahan dahan lang naman at hindi masakit.
"Aww naman!" Nagiinarte lang ako para bitawan niya yung buhok pero di talaga masakit. Ayoko nga kasing hinahawak buhok ko eh! And yes, binitawan nga niya.
"Saan sa tingin mo ka pupunta?" Tanong niya habang nakacross pa yung arms. Wow, boss?
"Sa loob... ng bahay... namin? Ay. Saan ba dapat?"
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?!"
Mabilis akong umiling iling, "Ayoko ng- I mean, HINDI!"
"Kilala naman ako nila tita, ah? Isa pa, tagal ko ng di nakakapunta sa loob ng bahay niyo. Gutom na din ako-" Yun nga eh, sa tagal mong di pumupunta, ang dami na nilang alam. Huhu!
"Kumain ka sa labas. Daming kainan diyan oh," Sabi ko habang nakataas yung dalawang braso para pangharang in case na pumasok siya.
"Wala na kong pera-"
"IKAW? Mauubusan ng pera? Jusko day. Pag naubusan ka ng pera, grabeee, butas na bulsa ko nun."
"Hindi naman kami mayama-"
"KUNG HINDI KAYO MAYAMAN, PAANO PA KAMI? NATUTULOG NA LANG SA KALSADA? GANERN?" Sabi ko ng malakas.