CHAPTER FIFTY NINE

16.2K 518 42
                                    

3RD PERSON'S POV

February 15. Isang araw na lang, birthday na nila Yosef, Yuan, at Yohan. Tuwing nagbibirthday ang triplets, may malaking handaan. Everyone was busy because of it. Malaki rin ang venue. While they were preparing for it, nasa bahay naman sila Yosef, Yuan, at Yohan. Nagbabasa si Yosef habang si Yuan naman, nanonood ng news.

English news lang ang tanging channel sa TV nila. Simula last year, pinagsabihan sila ng daddy nila na kailangan na nilang maging mature. Magbasa sila ng libro, manood ng news, at mag-aral. Okay lang naman mag-laro, pero si Harvey lang ang pwede nilang makalaro.

Ginagawa nila Yuan at Yosef lahat para maging paborito ng daddy nila at makatanggap ng compliments dahil nga favorite playmate ni Harvey si Dale, favorite son siya ng mommy nila, at favorite rin ng mga tao since sobrang outgoing niya unlike them.

"Let's play outside!" Yohan invited his siblings, but none of them answered. Nag-laro na lang siya sa playground mag-isa since he thought his brothers hated him. Hindi niya alam kung bakit, pero nanghihinayang siya dahil ang close nila dati.

Alam ni Dale kung saan nagdudrugs si Raf. Habang naglalaro, narinig niyang may umiiyak na bata galing doon. Papasok na sana siya, pero narinig niyang nag-salita si Raf. Alam na alam niya kung kaninong boses ang narinig niya.

"Anak ng puta, humanda talaga sa akin yang Angelo na yan!" Galit na sabi ni Raf. "Hayaan mo, bukas na bukas, hindi ka na niya mapapaiyak. Kawawa naman kapatid ko. That bastard, I'll kill him."

Tatakbo na sana si Dale, pero too late, nakita na siya ng kuya niya. Pinapasok ng kuya niya si Rox sa loob ng bahay nila at tinadyakan si Dale. Hinawakan nito yung braso niya at binuhat papunta sa sasakyan nito.

"I won't tell mom and dad, I promise, please let me go," Dale cried. "Please... don't lock me again. Kuya... I don't want to be locked again anymore. Please, kuya?" Iyak nang iyak si Dale habang nakatali yung dalawang kamay at dalawang paa niya sa likod ng sasakyan. Naingayan si Raf kaya nilagyan niya ng duct tape bibig ni Dale.

"Birthday celebration? Birthday celebration? Kayo lang ba ang may birthday?" Tanong ni Raf. "Porkit hindi ako ang anak ng nanay niyo, wala akong karapatan maging masaya? Wala akong karapatan mag celebrate? Bawal akong pakilala ng tatay niyo sa buong mundo? Bakit? Kung tutuusin, hamak na mas nauna ako sa inyo. Mas gusto ko pa nga noong wala ako sa inyo. Alam mo kung bakit? Dahil mas malaya akong gawin mga bagay na gusto ko. Kung sana tumulad ka lang sa mga tahimik mong kapatid, eh di sana wala tayong problema."

Masakit na ang kamay at paa ni Dale dahil sa higpit ng tali sa kanya. Masakit na rin yung bibig at lalamunan niya dahil sa duct tape at dahil sa kakatry niyang sumigaw.

"Kung hindi mo sana sinaktan kapatid ko, eh di sana, wala tayong problema," Sabi ni Raf. "Ano naman kung hindi niyo siya kadugo? Ha? Kailangan niyo ba siyang tratuhin na tiga-labas? Bata pa siya! Bata pa siya, anak ng puta!" Umiiyak na si Raf. "Hindi niyo kasi alam ang pakiramdam ng maltratuhin. Mga prinsipe kayo eh mga tangina niyo. Hindi niyo alam nararamdaman niya, mga puta kayo!"

Nagtuluy-tuloy lang siya sa pagdadrive kahit galit na galit na siya, "Parang hindi niyo siya nakikita kahit pinagtutulukan na niya ang sarili niya sa inyo. Sana sinabi niyo na lang na ayaw niyo sa kanya kaysa yung nakikipaglaro siya sa inyo, pero parang wala kayong nakikita. Lalo ka na! Ikaw lang ang gusto niyang makalaro, pero anong ginawa mo? Tinulak mo siya!"

Hindi naman sinadya ni Dale na itulak si Rox. Nadapa lang siya kaya natulak niya si Rox at nadapa rin ito, "Kaya ngayon, ipaparamdam ko sa'yo kung ano ang mga ginawa sa amin ng lalaking nagpalaki sa amin," Bigla siyang tumawa. Takot na takot na si Dale.

Nakarating na sila sa isang abandoned warehouse. Buhat-buhat ni Raf si Dale na parang sako ng bigas. Isang grupo ang tinayo ni Raf. Nagdadrugs sila, nanakit at pumapatay ng tao, at yung iba sa kanila, nangrerape. Ginamit niya ang pera ng tatay nila para buuin ito. Hindi naman talaga sila fraternity members kung hindi grupo ng mga outcasts at drug abusers.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon