CHAPTER FIFTY

20K 546 21
                                    

The day after our Christmas party, nag-usap kami ni Dale. Pinuntahan namin siya ni Ate sa apartment niya para dalan ng soup. Pinagtawanan ko siya, pero tinitigan lang niya ako. Sobrang sabog ng itsura niya. Gulu-gulo ang buhok, amoy alak, at mukhang inaantok pa.

"Akala ko ba aalagaan mo si Mia? Bakit mukhang siya pa ang nag-alaga sa'yo?" Sermon ni Ate.

Tiningnan ni Dale si Ate. Nakaupo lang siya sa bed niya, "Sorry." Nagpipigil pa rin ako ng tawa dahil sa mukha niya at nangyari sa kanya. Mukhang hindi niya naaalala mga ginawa niya kagabi. Umupo ako sa tabi niya at inayos yung breakfast niya. Pinilit ko si Ate na puntahan si Dale dahil walang nagaalaga sa kanya kung hindi mga bodyguards niya.

"Mia, subuan mo na. Mukhang may hangover pa eh," Utos ni Ate. "Kukuha lang ako ng tubig sa baba. Wag kayong gagawa ng kung anu-ano. Nasa kama pa naman kayo!"

Binato ko ng unan si Ate, "GRABE KA!" 

Dale looked at me, "Did I do something... strange last night?" He looked like as if he was regretting that he drank last night.

"Ano sa tingin mo?!" Tinulak ko yung noo niya kaya napahawak siya sa noo niya.

"I'm really sorry. Dapat-" 

Umiling ako at ngumiti, "Joke lang. Hindi joke na you acted strange, but nakakatawa ka kaya malasing. Kaso bakit mo sinasabing 'Mia, I don't deserve you?'" Ginaya ko yung pagkakasabi niya. "It was really annoying and it made ask a lot of questions, pero hindi kita tatanungin dahil alam kong hindi ka pa ready na sagutin ako."

He smiled, "I really don't deserve you."

After ng Christmas, pinakilala ulit ako ni Dale sa dalawang kapatid niya. Naaamaze pa rin ako pag naiisip kong triplets sila. Sila Yuan at Yosef, sobrang magkamukha. Naiiba si Dale sa kanila, but Dale told me they're all different. Siya lang ang pinakakakaiba. 

"Bale sila yung taong magkahawig tapos ikaw yung alien? Tama ba?" I asked him.

"Kakaiba ka talaga," Sabi niya. "Kung alien ako, ano ka pa?"

Hinampas ko siya habang natatawa, "Bwisit ka!"

According to Dale, siya ang pinakastubborn at laging pinapagalitan, pero kahit ganoon, obvious na siya ang favorite ng mommy nila. Si Yuan naman ang pinakamaayos sa mga gamit at responsable. In fact, naglolaw siya ngayon.

Si Yosef naman, graduate na ng college. Isa siya sa mga nagaasikaso ng business nila since busy nga dad niya sa politics. Siya naman ang favorite ng dad nila. Mas spoiled pa nga daw si Yosef kay Dale, pero mas pasaway si Dale. 

Kumain lang kami sa Eastwood. Busy kasi sila kahit Christmas season kaya hanggang kain lang ang pwede. Feeling ko hindi ko kakayanin pag tumira ako sa bahay nila. 

"How about you, Mia? What do you want to be?" Tanong ni Yuan. Siya nga pala ang eldest. Si Dale ang gitna at si Yosef ang pinakabata.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon