CHAPTER TWENTY TWO

22.6K 553 15
                                    

"Maybe Math's really not your forte. For sure, you have a talent," Sabi ni Dale. Nakapout lang ako ngayon. Naffrustrate na ata siya sa akin kasi hindi ko talaga ma-gets yung tinuturo niya. Well, okay naman siya mag-turo pero it's not him, it's me. Huhuhu!

"Sumayaw? I joined dance competitions when I was in highschool."

"See? What else?" He asked. 

"I know how to sing, pero hindi ako magaling. Kaya ko din mag piano," I said proudly.

"What else?" Grabe naman. Sana naman maintindihan niyang hindi lahat, kasing talented niya, diba? Anong magagawa ko kung sayaw at piano lang ang talents ko? Yung iba nga, hindi marunong mag-sayaw at mag piano. Nakakababa naman ng self-esteem ang isang 'to!

"Eat, sleep, and repeat. Magaling din akong humiga, huminga, at mag-pahinga. Ayos ba talents ko?" I raised my chin. Proud na proud talaga ako sa sarili ko!

He exhaled, "Nice."

"Hoy, grabe ka naman! Matalino naman ako. Sa Math lang hindi," Tinulak ko siya ng konti. Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit sa school namin. 

"What? I didn't say you're not smart. Ikaw lang may sabi niyan."

Ininom ko yung chocolate chip cream na binili niya kanina, "Ayoko na. Babagsak na ako sa Math."

"Never give up. Umayos ka na and let's study," Sabi niya.

"Ang dali sabihin, pero ang hirap gawin."

"Do you want to fail this course? Your prof gave you a chance, Mia. Don't waste it. Pag umulit ka next sem, ikaw din mahihirapan."

Pagkasabi niya nun, nagkaroon agad ako ng motivation para mag review. Tama si Dale, kaya ko 'to! Kayang kaya ko 'to. Pagkatapos namin mag review, hinatid na niya ako sa amin. Nasa sasakyan kami ngayon. 

Oo nga pala, after namin mag-usap noong gabing 'yun, ginamot ko mga sugat niya. Kawawa nga dahil may mga scars pa rin siya until now. Tsk. Kaya ngayon, kahit hindi ko naman siya sinabihang kunin yung bag ko, I still feel bad. Boo! Lahat tuloy ng gusto niya, mas lalo kong sinusunod. Well, except sa dating thing.

Nilinaw ko naman sa kanya na friends lang talaga kami. Siya naman, hindi naman daw niya ako pinipilit. Isa pa, hindi pa naman daw niya ako mahal. When I asked him, "Why do you keep on following me? Why do you want me to date you?" Napapaenglish talaga ako, pucha pink!

Anyway, he answered this, "For once, I want to try something different and I want to try it with you."

"Why me?" Tanong ko ulit.

"Didn't I say it already? You're simple and funny. I can't get you off my mind and I don't know why. No, it's not love. It's too early to call it love, but I'm sure it's something... different." 

When he said that, he really looked confused and I also don't know why. Kaya nga natawa kami parehas kasi parehas kami ng expression. Confused siya sa sarili niya at ako naman, confused din sa kanya. Isa lang naman ang malinaw, I need to move on.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon