CHAPTER TWENTY SEVEN

21.8K 678 70
                                    

"Alam ko na kung bakit ka namomroblema!" Sabi ko kay Dale.

"Harvey told you."

"Alam mo, wag ka ng mamroblema diyan! Eh ano naman kung lahat ng chix mo, pupunta dito? Hindi mo ba sila kayang pagsabay-sabayin?" I kidd.

"Hindi ko kaya, masyado silang madami," Tumawa siya tapos nagkatinginan kami. Nakatulala lang ako sa kanya at natulala din naman siya noong nakita niya reaction ko. Dapat ba ako tumawa? "I was kidding. Shut up, Mia. Let's go." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko at saka nag-lakad.

Whaaaaaaaat?

"Ha ha ha," Nag fake laugh ako. "Uy! Nakakatuwa yun, in fairness! Ha ha ha!" 

He smirked, "Shut up or I'll make you shut up."

Oooops, naiinis na si Sir Dale. Tatahimik na nga ako!

Anyway, hindi ako nagpalit ng damit, pero siya, nagpalit talaga. Nakasando siya at shorts tapos may cap din siya. Kahit rainy season ngayon, sobrang init dito. Pupunta ata kami sa bahay ng lolo at lola niya tapos after nun, pupunta naman kami sa restaurant nila. Pagkatapos nun, uuwi na kami dahil pagod kaming lahat tapos magiinuman daw sabi nila Reggie. 

Pagdating sa bahay ng lolo't lola ni SIR DALE, nganga kaming dalawa ni Jess dahil ang laki ng bahay nila! May garden pa tapos gawa sa bato yung labas ng bahay. Pinapasok kami nila sa loob at gaya ng sa rest house nila, gawa rin sa matitibay na kahoy at bato yung loob. 2-storey house 'to at ang ganda talaga. Sakto nga dahil yung ibang mga pinsan ni Dale, nandoon. Pati yung uncles and aunties niya.

Pinakilala kami ni Dale sa kanila tapos ininis kami nila Harvey...

"Grand daughter in law niyo po," Sabi ni Harvey tapos ininis pa nila kami.

"Ang ganda gandang bata," Sabi ng lola ni Dale.

"Magaling pumili itong apo kong 'to... mana sa akin," Sabi naman lolo niya.

Bago kami umalis papunta sa restaurant nila, may lumabas na lalaki galing sa bahay nila. Naka-shorts tapos walang shirt. Mukhang kakagising pa lang dahil nagiinat pa siya at naghihikab. Pagkakita niya sa amin, napatingin agad siya sa akin. Naaalala ko siya. Siya yung pinsan ni Dale sa party. 

"Hey," He smiled at me. 

"Sup, bro?" Lumapit siya sa amin at nakipag-apir pa siya sa mga friends ni Dale. Nakipag-beso din siya sa mga babaeng kasama namin including Jess. Di nga nakagalaw si Jess. Muntik na akong tumawa ng malakas. 

Si Dale naman, pumunta sa harap ko. 

"No," He shook his head.

"What? We're cousins, right? I don't want to be rude."

"No, Gian. Go to hell," Sabi ni Dale.

Tinaas ni Gian yung dalawang kamay niya na parang sumusurrender sa pulis at dumiretso na sa kwarto niya.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon