"Pwede dito na lang tayo mag-usap?" Tanong ko. "Ayoko na bumaba."
Ang totoo, ayokong mag-lakad kasama siya dahil ang awkward na. Hindi ko alam, pero ngayon, ang awkward na ng feeling. Ilang months din ba kaming hindi nag-usap ng kaming dalawa lang? Ilang months din kaming hindi nagpansinan. Ayoko din mag-usap kami sa ibang lugar na kaming dalawa dahil pag nakita kami ni Dyan, war na naman. Hindi na nga niya ko inaaway eh. Ayoko rin ma-disappoint si Dale.
Kaya nga nandito kami sa labas ng room namin ni Jess. Nakaupo at nakasandal kaming dalawa sa wall. Tumitingin tingin din ako ng mga taong lumalabas sa room nila o kaya naman naglalakad.
"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko.
"Gusto ko sanang malaman kung handa ka na... Kung ready ka na maging friends ulit tayo. Namimiss na kita, e," Sabi niya.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ko.
"Hindi ba pwedeng namimiss lang kita?"
I shook my head, "Hindi pwede. You took me for granted eh, siguro naman wala kang karapatan para ma-miss ako kasi noong namimiss pa kita, noong panahong namomroblema ako dahil sa'yo, wala ka kahit alam kong alam mo na noon pa lang, ikaw na ang mahal ko. You knew, am I right?"
Hindi siya nag-salita.
"Tuwing namomroblema ka? Ako yung nandiyan para sa'yo. Hindi mo malapitan si Dyan na bestfriend mo dahil siya nga ang problema mo. At kahit alam mo dati na mahal kita, sinasabi mo pa rin sa akin kung sino mahal mo. Kinikilig ka pa rin sa harapan ko, umiiyak ka pa rin sa harapan ko. Ngayon, for sure, kaya mo ako kinakausap dahil may problema ka na naman. Meron, diba?"
Hindi siya nagsasalita. I knew it, may problema na naman siya.
"Gerard, kaibigan ako... pero yun na lang ba lagi ang role ko? Ang sumalo lahat ng drama sa love life mo?" I sighed. "Nevermind. Ano bang problema mo? Sabihin mo na since nandito na rin naman tayo."
He smiled, "You've matured, Mia."
I smiled back, "Thanks. Sabi kasi ni Dale-"
"You like him," Sabi niya. Hindi ako sumagot. "Dyan. She's really jealous of you. She has been jealous of you since we've started dating. Hindi ko na alam gagawin ko. Binibigay ko naman lahat, pero wala. Kinakampihan ko siya kahit alam kong mali siya."
"Alam mo kung anong mali mo? Kinakampihan mo siya kahit alam mong mali siya. Kung mali siya, dapat sabihin mong mali siya at ipaliwanag mong mabuti kung bakit siya sa mali. Sabihin mo sa kanya na siya ang mahal mo at mali siya. Gets mo?"
"Ayaw ba niyang ipagtanggol ko siya?" He looks confused.
"Sino bang babae na ayaw ipagtanggol siya, diba? Of course, gusto niyang ipagtanggol mo siya! But girls like honesty, not sugar-coating. Instead of telling her she's right, tell her she's wrong, but tell her you love her. Dahil pag sinabi mong tama siya kahit alam niyong dalawa na mali siya, iisipin niya talagang binobola mo lang siya. Nagegets mo ba ko?"