CHAPTER FORTY EIGHT <3

28.5K 680 68
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Dale sa nabasa niya. He never loses his cool, but when it comes to Mia, he's just always frustrated even if he tries to calm down. Gusto na lang niyang tumawa, pero hindi niya magawa. Pakiramdam niya, nababaliw na siya.

Maaga siyang pumasok sa school. Free cut yung 6 to 7:30 PM class niya kaya 4 PM pa lang, pwede na siyang umalis. Tinawagan niya agad si Amanda at tinanong kung nasaan. Tuwang tuwa naman si Amanda dahil sa wakas, tinawagan na siya ni Dale.

"Okay, Yohan. I'll see you 7!" Obvious na excited siya. Dale hang up the phone and went to Mia's university. Busy na siya sa mga susunod na araw. Hindi na niya magagawa yung gagawin niya ngayong araw kaya kailangan na niyang kumilos.

Si Mia naman, masyadong occupied. Hindi siya nakatulog kagabi dahil nag review siya para sa exam niya. Iniisip rin niya kung tama ba yung sinulat niya sa papel na binato niya kay Dale. May feeling siyang babalikan pa rin siya ni Dale kaya hindi siya umiyak, pero tinanong rin niya sa sarili niya kung paano pag hindi na niya siya kausapin.

Binatukan siya ni Jess, "Yan napapala ng hindi nagiisip. Saan ka makakakita? Hinarana ka na nga, sinaktan mo pa."

"Sorry na, ang bobo ko kasi," Sabi ni Mia. Halatang depressed siya. "Nakakahiya naman kung kausapin ko siya. Ano sasabihin ko? 'Sorry, Sir Dale. Joke lang yung sinulat ko. Ligawan mo na ulit ako.' Hindi naman ako ganun no!"

Naawa at natawa at the same time si Jess kay Mia. Ang laki kasi ng eyebags, halatang hindi natulog. Obvious naman na ayaw mawala ni Mia si Dale. After Gerard hurt her, Dale had been there for her to the point na masyado nang naging dependent si Mia sa kanya. Sobrang comfortable rin nila sa isa't isa.

Pero dahil lang sa sinabi ni Amanda, lalayuan na niya si Dale? Hindi makapaniwala si Jess sa kaibigan niya. Alam naman niyang ganun si Mia, pero ngayon lang niya narealize na sobrang tanga ni Mia.

"Gaga! Sino ba may sabing sabihin mo 'yun? Hindi ka talaga nagiisip, no?" Sabi na naman ni Jess sa kanya. Kanina pa nasasaktan si Mia sa mga sinasabi ng kaibigan niya, pero alam naman niyang ganun lang talaga sila. "Hindi na ako magtataka kung hindi ka na niya pansinin kahit kailan."

Napaisip naman si Mia sa sinabi ni Jess. Noong binasted ni Amanda si Dale, nagsawa at sumuko na agad si Dale. Naalala niya yung first meeting nila ni Dale. Parehas silang nabasted, pero kung siya, iyak nang iyak. Si Dale, chill lang.

Isa pa, hindi pa siya kinakausap ni Dale hanggang ngayon. Kung gusto siya talaga ni Dale, bakit hindi siya kinausap ni Dale kagabi? Paulit ulit na tanong sa utak niya.

Natapos silang mag exam nila Jess. She was still occupied. Buti na lang at nadalian niya yung final exam. Sa sobrang tulala niya, muntik na siyang mauntog sa pinto. Buti na lang, may humarang na kamay sa may noo niya.

Tiningnan niya yung humarang sa kanya...

"Uy," Sabi niya kay Gerard.

"Bakit mukha kang panda? Anong nangyari sa'yo?" Tanong niya. Kanina pa tapos mag exam si Gerard, pero hinintay talaga niyang matapos si Mia para sabay silang mag pass at umalis.

"Wala," Sabi ni Mia. Nagusap silang magiging civil sila sa isa't isa, pero hanggang doon lang. Kaya nagtataka siya ngayon kung bakit kinakausap siya ni Gerard. Hindi naman niya sinabing maging friends ulit sila.

Binuksan ni Gerard yung pinto at pinauna si Mia. Nagulat si Mia dahil biglang ang gentleman niya. Lumabas silang dalawa ng room. Pati nga sila Jessica at Stephen, natulala sa kanilang dalawa.

"Did he hurt you?" Tanong ni Gerard.

Mia shook her head.

"Totoo ba yan?" Tanong niya. Hindi sumagot si Mia hindi dahil sinaktan siya ni Dale, pero dahil nakukulitan na siya kay Gerard. "Totoo bang hindi niya sinaktan?"

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon