So magkakasama sila Dyan, Gerard, and Amanda. Anong gagawin ko?! Dito na lang ako sa garden at hindi na ako papasok sa loob.
"What are you waiting for?" Tanong sa akin ni Dale. Papasok na kasi silang lahat, pero ako, mukhang tanga na nakatayo sa garden.
"I'm staying here. I don't wanna go inside."
"Mauna na nga kayo," Sabi niya sa kanila. Si Harvey, kumindat pa bago siya pumasok. Sinara ni Dale yung sliding door.
"Ano na naman?"
"Nandiyan si Gerard..." Sagot ko.
"So?"
"Nakakainis ka! Bakit hindi mo sinabing pupunta sila?"
"Hindi ko din alam na pupunta sila. Why the fck would I invite them? Also, ano naman kung nandiyan sila?" He paused for a while and sighed. "Have you forgotten what I said?"
"A-Ano?"
"Be my girlfriend and he would fcking regret everything he did to you," Sabi niya tapos hinawakan niya kamay ko. "Once we go inside, there's no turning back."
Hindi pa ako nakakasagot pero binuksan na niya yung sliding door tapos pumasok na kami sa loob. Nakahawak pa rin sa akin si Dale...
"Act normal. Be confident," He whispered.
I nodded, kinakabahan pa din ako. Kaya ko 'to.
Sa isang table, nandoon na sila Harvey at yung tatlo pa nilang kasama. Bale 7 na sila sa table dahil kasama sila Amanda, Dyan, at Gerard. Nakalimutan ko i-tanong yung mga gusto kong i-tanong kay Dale dahil lang narinig ko ang pangalan ni Gerard. Gusto na ayoko siyang makita. Magkaakbay pa nga sila ni Dyan, fudgee bar. H'wag kang iiyak, Mia.
Lalong hinigpitan ni Dale yung hawak niya sa kamay ko, "Don't stare at him. Look, but don't stare. Smile."
Expert lang?!
Pero sinunod ko na rin yung sinabi niya. Pagkalapit namin sa table, I smiled. Yung tatlong lalaki na hindi ko kilala, nakangiti lang. Si Harvey naman, parang tuwang tuwa sa mga nangyayari. Sus, if I know, nasasaktan na yan. Sila Amanda, Dyan, and Gerard naman, mukhang gulat na gulat.
Minove ni Dale yung upuan tapos pinaupo niya ako then he kissed my temple. Naalala ko yung sinabi ni Harvey. He is THE Yohan Dale Araneta.
Tumabi siya sa akin, "Guys, I'd like you to meet Mia, the girl whom I like." Inakbyan niya ako. "Unfortunately, she doesn't like me... yet. And Mia, meet Wayne, Jaxon, and Reggie."
Binati rin naman nila ako kaya I greeted them as well. Hindi nagsasalita sila Dyan, Amanda, and Gerard. Hindi ko rin naman sila tinitingnan. Natatakot ako tingnan sila. Dumating naman ulit yung parents ni Dale kasama yung dalawa niyang kambal. Hindi ko alam pero parang robot nga yung dalawa pang kambal niya. And sa kanilang tatlo, si Dale nga talaga yung angat. Siguro kasi hindi sila nagsasalita?