2014 had been the most colorful year for me. There were too many storms, but there were rainbows and butterflies as well. As much as I want to only have happy moments, alam kong hindi 'yun posible. Minsan, sobrang saya ko na nakakatakot na dahil hindi ko alam kung kailan matatapos 'to. Sana man lang may warning para mapaghandaan ko.
"Mia, kailan natin pupuntahan si kuya?" Tanong ni ate Milan habang kumakain ng chips at nakaupo sa stairs. Kain siya nang kain saka siya magrereklamo na ang taba taba na niya, pero hindi naman kasi talaga siya mataba.
"May reunion party tayo ngayon. Bukas siguro," Sabi ko habang nakaupo sa sofa at naglalaptop. Kachat ko si Dale sa Facebook. Bwisit! Send siya nang send ng pictures niya sa Florida pati mga kinakain niya. Inggit na inggit na ako!
"May pupuntahan ako bukas!"
Tumawa ako, "Ha! Ang galing ko talaga." I clapped my hands. Mukhang naweirdan si Ate sa akin kaya naglakad siya papunta sa akin at tiningnan kung anong tinatawanan ko sa laptop ko. Kaya naman daw pala ang saya saya ko dahil nakikipaglandian na naman ako.
"Ano ba yan?" Tanong niya. "Abnormal ka talaga! Inedit mo pictures niya sa Florida?!" Ako naman ang tinawanan ni ate dahil may kapatid daw siyang autistic. Bastos! Ang galing ko kaya mag edit. Nilagay ko lang naman mukha ko sa lahat ng pictures niya.
I rolled my eyes, "Galing ko kaya! Wait, nag reply na."
Yohan Araneta: HAHAHAHAHAHA
"Yan lang? Grabe yung effort ko mag edit ah!" I frowned.
"Ano bang gusto mo? Ilagay pa niya sa picture frame tapos idikit niya sa pader ng mansyon nila? O kaya sabihan na ang galing galing mo kahit hindi-"
"OMG!" I laughed. "Ginawa niya yung profile picture yung inedit ko." May caption pa ngang 'With Mia Hernandez in Florida'. Nakatag pa talaga ako ah. Ang dami na agad nag like at comment kaya nilike ko rin at nag comment.
Mia Hernandez: (c) Mia Hernandez
Yohan Araneta: I miss your craziness
Milan Hernandez: ANG LANDI NIYO. GET A ROOM!
Yohan Araneta: You want us to get a room?!
Milan Hernandez: Joke lang hehe
The next day, mag-isa kong pinuntahan si Kuya. Takot ako sa mga multo, pero kung si Kuya naman makikita ko, okay lang. Ano kayang itsura niya kung buhay pa siya? Siguro madami ng kumukuha sa kanya para maging artista. Malamang, may asawa na siya ngayon.
In fairness naman sa bahay ni kuya, parang totoong bahay. May kusina, CR, at aircon. Hindi ko na binuksan yung aircon. Instead, binuksan ko na lang yung mga bintana at pinto since mahangin naman. Umupo ako sa harap niya.
"Hi, kuya. Madami akong baong kwento sa'yo," Ngumiti ako habang nilalagay ko sa harap niya yung flowers na lagi niyang binibili dati, pero noong ilalagay ko na yung flowers, may nakita akong flowers na halatang fresh pa.
Mukhang may dumalaw kay kuya dahil bukas pa yung candle at may flowers rin na katulad ng bigay ko. Sabi ni ate hindi siya makakapunta since may pupuntahan siya. Sino kaya ang dumalaw sa kanya? Wala sila mommy at daddy dahil may company party silang pinuntahan.
