CHAPTER THIRTY

23.1K 610 35
                                    

"Do you really want to do this?" He asked. Nasa dulo na kaming dalawa ng pool. Yes, I've decided! Nandito na rin lang naman ako, i-push ko na, diba?

"Yes. Beat me and I'll follow everything you told me last night," Sabi ko kahit alam ko namang imposible akong manalo sa taong magaling sa lahat. Hay, ako na talaga walang ginagawa sa buhay.

"You remembered," He looked away. Akala ba niya hindi ko matatandaan? Sana nga hindi ko natatandaan, but I remembered everything and it's not fair! 

"Okay," He said. "3, 2, 1... Go!" 

Pagkasabi niya ng 'go', I swam automatically as fast as I could tapos bumalik kung saan ako nag start. Hindi ko alam kung sino nauuna sa amin because I was too busy winning. Pagkadating ko sa dulo ng pool kung saan kami nag start, doon pa lang dumating si Dale.

OMG, I WON!!!

"You won," He said. Ako naman, hindi pa rin makapaniwala. Ako? Nanalo? Against him? Against Yohan Dale... I forgot his surname. But fudgee bar, this is so impossible!

"So?" He's waiting for me to speak.

"Uhmm... Wala kasi akong maisip. Ano ba gusto mong consequence?" Tanong ko kasi wala talaga akong maisip. Akala ko talaga matatalo ako. 

"Seriously? You challenged me without thinking of a consequence?" 

I nodded, but I suddenly remembered what I saw in his room. Hindi ko sure kung kay Harvey yung nakita ko o kung sa kanya, pero sasabihin ko na rin, "Marunong ka ba mag ukelele?" 

"Yeah," Still not looking at me.

"Do you know how to sing, then?" 

"Who doesn't?" He said, arms on the pool side and he's still not looking at me. Nakatingin siya sa taas. Lumubog ako ng konti sa pool dahil sobrang lamig. Buti na lang, mainit yung pool. Tumingin din ako sa sky at ang daming stars.

Kuya Star.

Ger- No, I can't think of him. In fairness, buong araw ko siyang hindi naisip. Nakakamove on na ba ako? Ganoon ba 'yun? 

"Okay, play ukelele and sing anything," I ordered. "But I prefer chill songs." Ayoko ng love song dahil baka iba lang maalala ko. Move on na nga, diba? Yup, nakapagdecide na ako. Kahit talo ako sa racing namin.

Umakyat na siya, pero hindi ako makaakyat sa sobrang lamig. Ang hangin kasi tapos pag umahon ako, hindi ko maimagine!

Dale furrowed his forehead, "What are you still doing there?"

"D-Dito muna ako," Sabi ko at lumubog. Pag ahon ko, ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. He looks surprised as well. Nasa pool side siya, hawak yung towel ko. Malapit din ako sa pool side, pero nasa loob nga lang ng pool.

"Uhmm..." Ang awkward. Bakit ganito? Umurong siya ng konti. Using may hands as support, mabilis akong umupo sa pool side at pinatong niya yung towel ko sa likod ko. Habang naglalakad kami papasok sa loob, bigla namang dumating sila Jaxon, Wayne, Reggie, Vern, and Wendy. Sabay sabay silang tumakbo at tinulak kami sa pool. What theeee?!

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon