CHAPTER SIXTY TWO

21.5K 491 44
                                    

Bukas na kami aalis ni ate para mag bakasyon sa Sagada, pero parang ayoko na lang umalis dahil sa mga nalaman ko. Sinabi ko agad kay ate na may pamangkin kami at Angelo rin ang pangalan. Nagiyakan lang kaming dalawa sa kwarto. Hangga't hindi pa ayos ang lahat, hindi pa namin sasabihin sa parents namin dahil for sure, mapaparanoid sila.

Sasama nga pala sila Jess, Gerard, Stephen, at Daphne bukas sa amin. Ayaw pa rin nila Gerard at Stephen kay Dale, pero mas okay na daw na maging kami kaysa naman mapunta pa ako sa iba. At least alam nilang poprotektahan niya ako.

"Love, are you ready?"

I couldn't hide my smile, "Kanina pa. Nasaan ka na ba? Baka i-ditch mo na naman ako ah?" I joked. Ang aga ko kayang nagising. Hello?! 5 AM pa lang.

He snorted, "I'm outside your house."

Kinuha ko yung sling bag ko at lumabas na ng bahay. Natutulog pa sila mommy, daddy, at ate kaya tinext ko na lang sila. Nagpaalam naman na ako sa kanila gabi pa. Summer naman at wala akong ginagawa. Hindi ko rin magagawa blog ko dahil wala naman akong masusulat since wala pa akong napupuntahan.

Paglabas ko, nakatayo at nakasandal siya sa kotse niya. Siya ulit yung driver?

I narrowed my eyes, "Tinakasan mo na naman ba bodyguards mo?"

"No, I just told them I need to go out for a while."

"For a while? Iba naman meaning ng 'for a while' mo eh!" Totoo naman. Yung 'for a while' niya, simula maga hanggang gabi. Ibig sabihin, tinakasan na naman niya bodyguards niya.

Tinanong ko siya kung safe ba pag kaming dalawa lang, pero ito ang sinagot niya sa akin, "Don't you trust me?" Chineck niya muna pala. Sabi ni Rox, nasa America pa siya at next week pa sila uuwi. At least, may warning. Baka by next week, wala na kayong makitang Mia.

Hindi na ako tinanong ni Dale kung saan kami pupunta dahil mukhang nakapagdecide na siya. He really knows what he's doing. I'm just worried, because he was never worried about himself. Pupunta siya sa States sa isang araw para kila Ate Glimpse, her soon-to-be baby, and Angelo, pero paano naman sarili niya?

I was about to get my phone, but he asked me to turn it off. Gadgets not allowed pala ang date na ito, "For today, just think of me, alright? I want to be selfish today. I want your attention and I want to be the only one who makes you smile... just for today."

Nakakatakot. Para na siyang nagpapaalam. I could vaguely remember what happened, but I clearly remembered what it felt. It was the most depressing night ever. No, that year and the following years were the most depressing moments in my life so far.

Pag gising ko, ako na lang mag-isa sa kotse. Paranoid na ata ako dahil kinabahan ako noong wala siya sa tabi ko. Pag tingin ko sa gilid, nasa labas siya. I saw him standing while looking at the view. Nasa Manila Bay kami. He looked at me and smiled as he saw me. Binuksan niya agad yung pinto at pinalabas ako.

"Come on, the sun's rising!" Hinila niya ako. Umupo kaming dalawa sa gilid at inakbayan ako. I took a picture of the sunrise and it was amazing.

I stared at him, his eyes were closed, his lips looked soft, he has a pointed nose, and he has jaw to die for. Yung side bangs niya, tumataas dahil sa hangin.

"Alam mo, mas bagay sa'yo yung walang bangs," I told him kahit bagay naman sa kanya kahit ano.

He opened his right eye, "Is that a compliment or are you saying that I look ugly with my hair?"

I shrugged so he tickled me. Tawang tawa lang ako kaya tumitingin sa amin yung mga nagjojogging sa likod namin. May mga couples rin akong nakikita, pero magkakalayo kami. He ended up hugging me and not caring about other people who could see us.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon