Almost 2 weeks na, pero hindi pa rin siya nagigising. Buti pa yung kapatid niya, buhay na buhay na. Pagkadischarge nga ni Rox sa hospital, pinuntahan niya agad kuya at kapatid niya sa kulungan. Naiintindihan ko naman yung galit ni Raf sa daddy niya dahil sa ginawa nito sa mommy niya, pero galit na galit ako sa kanya. I really, really hate him.
Almost 2 weeks na rin simula mawala si Gerard. Never pa nga ako nakadalaw sa kanya. Everytime I'd try or force myself in, magwawala parents niya. Hindi ko sila masisisi dahil nagiisa siyang anak at alam ko kung gaano nila kamahal si Gerard. Nawala rin baby nila dati.
Isang beses nga, habang palabas ako ng hospital, sinalubong ako ni Dyan at sinampal. We were both crying. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa nauubos luha ko eh these past few weeks, puro iyak na lang ginawa ko. Naging tambayan ko na nga ang chapel sa hospital pati na ang simbahan sa Baclaran at Quiapo.
"I was really mad at you, Mia, and I still am," Dyan sobbed. "He liked me because of you, but we also broke up because of you. Naiinis ako na nafufrustrate. Gusto ko siyang ibalik, pero alam kong hindi na pwede. If I knew this would happen, I shouldn't have let him stay away from me, but I did, because I saw these..." Inabot niya sa akin yung dalawang cellphones.
"Bakit mo sa akin 'to binibigay?"
She wiped her tears, "Dahil alam kong pag nakita mo yan, you will feel bad for him and I want you to feel bad for him. Kailangan mong maguilty until that guilt swallows you."
H'wag kang mag-alala, Dyan. Galit rin ako sa sarili ko.
Pumunta ako sa cemetery. Wala naman ng tao for sure dahil magttwo weeks na. Binilan ko siya ng bulaklak at umupo. Dinala ko rin yung diary ko simula highschool hanggang nag college ako. Huminto lang naman ako magsulat sa diary ko simula noong nakilala ko si Dale. Lahat ng nakasulat sa diary na yun, puro good things lang about him.
"Hi, Gerard! Kamusta ka na? Sorry, hindi ako nakadalaw. Diba ayaw mong nalelate ako? Sobrang late ko ngayon kaya for sure, galit ka sa akin. Tama yan, magalit ka sa akin. Ang dami kong 'what ifs' at 'paano kung' noong nawala ka. Miss ka na namin. Oo nga pala, binigay sa akin ni Dyan yung old phone mo pati yung phone mo simula noong nag college tayo. Bubuksan ko, ha?"
Una kong binuksan yung lumang phone ni Gerard. Noong una, wala akong makita. Pag open ko ng inbox, puro messages ko. Pagkakita ko naman sa drafts at outbox, puro messages na hindi nasend at cancelled messages.
2nd year highschool:
Hi Mia. Nakuha ko number mo from our classmate. Hehe. Musta naman? Wag mo pansinin mga nambubully sayo kanina. Inggit lang sila sayo. :)
Amijia Suzette pala totoo mong pangalan. Astig ahhh! Kasing astig mo. Hehe.
Gusto sana kitang ligawan pero hindi ko alam kung paano. Nahihiya ako sayo eh :|
May gusto ka ba kay Stephen?
3rd year highschool:
First day of class natin kanina. Gumanda ka lalo. Sigurado ako, madami na naman inggit sayo. Wag mo na sila pansinin. Nandito ako para ipagtanggol ka. Ay... hindi pala pwde.
Hindi kay Stephen galing yung bulaklak. Sa akin. Pinacustomize ko pa yun para sayo...
Will you be my prom date?
![](https://img.wattpad.com/cover/11541436-288-k675251.jpg)