CHAPTER THREE

51.2K 775 43
                                    

"Miaaaaa!"

Niyakap niya ako mula sa likod ko. Maloko nga

"Stephen?" Tanong ko. Inalis niya yung pagkakayakap niya sa akin at humarap ako sa kanya tapos tiningnan ko siya. Whoa. Parang bata lang e. Nakakunot yung noo niya tapos nakapuppy face. Hahahaha! Pinipigilan ko yung tawa ko.

"Ah. Ikaw pala." Tumalikod uli ako at naglakad na.

Hindi ko siya pwede pansinin. Hindi pwede. Hindi pwede. Hindi pwede.

Una: dahil sa ginawa niya kahapon. (Holdap thingy?)

Pangalawa: dahil niloko niya ako kay Stephen. Eh siya nga gusto ko e. I mean mahal ko. Anooo baaaa! Pagbigyan niyo na ako. Dito lang ako cheesy

Pangatlo: Tinitingnan ko yung kakayahan ko. Hahaha! Tinitingnan ko kung hanggang kailan ko kakayanin na hindi siya pansinin. Sana kaaaya ko! *fingers crossed*

"Mia naman. Galit ka pa rin ba?" Hinawakan niya ako sa braso ko habang nakayuko.

Tiningnan ko lang siya at inirapan saka ako tumalikod sa kanya at nagsimula ulit maglakad.

"Sige, ganyanan na pala. Walang pansinan ba gusto mo?"

Tiningnan ko siya. Sht. Hindi pwede! Hindi pwede! Hindi pwede!

"Joke! HAHAHAHAHA!"

Fine. Hindi ko siya matiis. Hindi ko kayang magalit sakanya. Shomai na malagkit. Hoy! Ba't ba ang lakas ng tama ko sayo? Hindi ka naman sana red horse? Hehehehe!

"Anong joke? " May pagkalowgets din siya e. Parang ako lang. Kaya minsan talaga or madalas, hindi kami nagkakaintindihan. Pero in the end, tatawa na lang kami sa sobrang labo na ng pinag-uusapan namin. Gets niyo ba?

"Hindi ako galit. Nantitrip lang. "

"I know you. May konti diyan."

"Anong konti?" Sabi sa inyo, low gets din ako e

"Ang low gets mo talaga! May hard feelings pa din ng konti." Nagsalita ang hindi low gets.

"Kanina yun, wala na ngayon. Kasi ikaw e, wag mo ng uulitin yung holdap holdap na yun ah? Mamamatay ako. Napagkamalan pa tuloy kitang RAPIST," Tumawa kami.

"Sige na. Peace be with you." Inabot niya yung kamay niya kaya natulala lang ako. Oh no! Puso ko! Shockness! Annoooodaw? Hahaha. Imbento ako e. Nakipagshake hands na rin ako sakanya.

"Peace be with you!"

"Tara. Sabay na tayo pumunta sa room. May ikikwento ako." About kay Dyan?

"Ah. Sige. *fake smile*"

Naglakad na kami. Nasaan na kaya si Jessica? Lumingun-lingon ako.

"Sino ba hinahanap mo diyan?"

"Si Je-STEPHEN?! "

"Ayun ohhhh. Yiieeee..." Pinoke poke niya ko. Sasapakin ko 'to e. Iniinis niya ako sa hindi ko gusto. Mas matutuwa pa ko pag ininis niya ako sa sarili niya e. Hahaha! Hindi naman masama maging honest diba?

Wait nga munaaaa! Bakit nandito si Stephen?!

Papalapit na siya dito.

"Uy pre! Kamusta na?" Tanong ni Stephen.

"Ayos lang," Ba't biglang naging cold si Gerard? Na-feel ko lang naman. Ilang beses kong hiniling na sana magselos siya, pero pilit sinasabi ng isipan ko na, IMPOSIBLE. Kay Dyan kasi ang puso niya. Tingnan mo nga, feeling ko in love na din ako kay Dyan. Dyan ako ng Dyan. Amp. Ba't ba kasi ang ganda ni Dyan? Ang bait pa! Lahat na sakanya na. Eh ako ba? I'm... a goddess! Hahahahaha, joke ulit.

Talo Bingi (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon