Nakatingin siya sa direction ko while I was just staring at him blankly, watching him from our side. Fine, I'm pissed. Hindi dahil hindi niya ako sinundo, pero dahil hindi niya ako sinabihan ng maaga. Was this supposed to be a surprise?
Dale winked and girls squealed. Siniko ako ni Jess, "Yun oh!" Then he looked at Harvey. "Alam mo bang magiintermission number boyfriend nito ngayon?"
Ngumiti si Harvey, ngiting aso. Alam niya nga!
They were clapping their hands even before Dale started singing. Stay with Me by Sam Smith ang kinanta niya. Nakaupo siya sa stool while singing and playing his guitar. Tumitingin tingin rin siya sa ibang side at ngumingiti, pero mostly, nakatingin siya sa akin.
Pagkatapos niyang kumanta, pwede na kaming mag kwentuhan habang kumakain. Noong highschool, 120 kami sa buong batch. 4 sections, 30 students each. Ngayon, less than 100 yung pumunta kasama na mga ibang teachers and principals. Nag resign na rin kasi ang iba sa kanila. Yung iba, nag abroad. Yung iba, huminto dahil magkakapamilya na.
Habang kumukuha ng pagkain, I caught a glimpse of him having a serious conversation with our school's director. Tss. Pumunta pa talaga yung school director para sa kanya. Normally naman, hindi pumupunta ang school director sa mga reunions.
Pabalik na ako sa upuan nang narinig ko ang pangalan ko...
"Have you seen Mia? I'm sure you remember her. Gumanda siya lalo," Sabi ng isang lalaki. Nakatalikod ako kaya hindi ko makita.
"Mia Hernandez? Yeah, I saw her talking to Bern kanina. Nagparetoke kaya siya?" Babae naman ngayon ang nagsalita.
"Oo, I talked to her," She snorted. "Kainis kaya, halatang plastic. Siguro hindi pa rin niya makalimutan yung nangyari dati. Palibhasa, totoong sinuluhan niya mga teachers para makapasa siya. Pati nga yung dance compe namin, sinuluhan niya, diba?"
Napailing ako. Hindi pa rin sila nagbabago. Hindi nila ako nakikita dahil maraming tao ang dumadaan at seryoso silang pagusapan ako.
"I heard, boyfriend niya si Yohan," Sabi naman ng isang babae, familiar ang boses. "Nakita ko rin facebook niya and madami silang pictures. Paano kaya niya nakilala yun?"
"Oh no. Wag mong sabihing friends kayo sa facebook?"
"She added me," And I don't remember adding any of my classmates on facebook. "Oh well. Maybe she seduced him just like how she seduced our Math teacher." Nagtawanan sila. "Pero baka friends lang sila. Sabay silang pumunta ni Gerard here, diba? Oh, I remember na! Naging sila Dyan and Gerard. Maybe they broke up because of her. Matagal na niyang gusto si Gerard, right?"
"Pero paano si Yohan? Akala ko ba sila?" Sabi pa ng isa.
"I don't know. Baka namalikmata lang ako," She laughed. "Imposible naman magkagusto si Yohan sa kanya. Imposible rin na magkakilala sila. Thinking how low she could get, sabagay, hindi naman papayag si Yohan makuha ng isang prostitute."
What? Nabagsak ko yung tray ko kaya nabasag rin mga plato. Sobra na sila! I turned around and looked at them. I saw Bern and her friends na mukhang ngayon lang nagkita kita. Everyone stopped doing what they were doing dahil nagulat sila.
Nakatalikod si Bern sa akin, pero tinuro ako ng mga kaibigan niya kaya medyo humarap siya sa akin, "M-Mia?"
Umupo ako, kinuha yung tray, at pinulot yung mga nabasag. Ugh, I acted carelessly! I didn't like it when people look at me, but I just made a fuss! Pupuntahan na sana ako nila Dale, Jess, Gerard, Harvey, at Stephen, pero nilagay ko ulit yung tray sa floor at tumayo.
"Prostitute? Really?" Huminga ako nang malalim. Hindi ko na kayang manahimik. "Sinuluhan ko na nga judges sa dance compe dati, sinuhulan at inakit ko pa mga teachers natin. Ako rin nga ang dahilan kung bakit naghiwalay sila Dyan at Gerard, diba?"